^

PSN Opinyon

Paanyaya ni Amba

- Roy Señeres -

ITO ang paanyaya ko sa mga OFW na malapit nang mangibang bansa: Ako ay naniniwala na ang isa sa mga malaking dahilan kaya ilan sa mga OFW ay kumikitil ng sariling buhay o di kaya’y nakakagawa ng mga mararahas na bagay ay dahil sa di sapat o di tamang payo na nakukuha nila bago umalis ng Pilipinas. Dahil dito lahat ng mga OFW ay inaanyahan ko na dumalo sa isang pagpupulong na personal na pangangasiwaan ko, para mabigyan kayo ng payo kung ano ang nararapat n’yong gawin kapag kayo ay minamaltrato ng inyong amo; hindi sinusunod ang inyong kontrata; hindi kayo iniintindi ng inyong sariling Embahada at iba pa.

Ang feeling of helplessness, hopelessness at despair sa mga malalayong lugar ang nagtutulak sa mga OFW sa kahabaghabag na sitwasyon. Inaanyayahan ko rin ang mga magulang mga mister o misis o mga anak ng OFW na dumalo sa pulong na ito. Tumawag lang po kayo sa numerong 5267522 o magtext sa 09187903513 para sa iskedyul ng meeting ninyo sa akin.

Madalas mangyari sa mga Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) na nagmamadali ang mga participants, at hindi nakakapakinig ng tama sa mga lecture. Marami kasi sa mga participants ng PDOS ang paalis na kaagad pagkatapos ng seminar kaya halos wala na sa isip nila ang mga itinuturo. Dahil sa mga masasaklap na mga nangyayari sa mga kababayan natin sa abroad, mas mabuti talaga na maka­usap ko ang mga paalis, kahit sila ay tapos na sa PDOS. Sa wari ko, marami pa rin akong maituturo sa kanila na maaring wala sa PDOS.

Libre lamang ang pagtuturo ko sa mga paalis, at kasa­ma na ito sa aking public   service. Gusto ko rin na   ma-meet ang mga paalis   upang makilala sila at baka may­roon pa silang ibang panganga­ilangan kung saan maaari pa akong makatulong.

Sana ay huwag pa­lam­pasin ng mga paalis na OFW ang aking alok. Magan­da rin na dumalo sila kasama ang kanilang pamilya.

DAHIL

EMBAHADA

INAANYAYAHAN

MADALAS

MAGAN

MARAMI

PRE-DEPARTURE ORIENTATION SEMINAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with