Pabaya ang abogado
KASO ito ng JDC at ni Mando. Nobyembre 1993 nang mag-umpisang magtrabaho ang JDC sa gusaling tinatawag na RM Plaza, nagsimula ang pagguho ng lupa sa katabing lupa na pag-aari nina Mar, Ella at tatlo nilang anak. Nagkaroon ng malalaking bitak ang semento ng dingding at pader ng gusaling kanilang tinitirhan.
Noong Pebrero 1994, nagkasundo ang pamilya at si Mando (project designer ng RM Plaza). Aayusin ng JDC ang gusaling nasira at ibabalik ang pundasyon na nasira. Ayon din kay Mando, magbabayad ng danyos ang JDC para sa anumang nasira. Ngunit bandang huli, hindi rin nagbayad ang kompanya ng danyos dahil napag-alaman daw na ang basa at buhaghag na lupa sa palibot ng gusali ang sanhi ng pagguho ng gusali ng pamilya.
Itinuloy pa rin ng JDC ang ginagawang pagtatayo ng RM Plaza kahit pa mayroon ng “stop work order”. Na sira ang mga katabing gusali pati na ang sa pamilya. Dahilan upang magsampa ng kaso ang huli sa korte.
Mabuti na lamang at nagkasundo sila bago mag-umpisa ang paglilitis. Aayusin ng JDC ang gusali ng pamilya at ang bumigay na pundasyon at ang maiiwan na lamang ay ang danyos. Aantayin ng magkabilang panig ang desisyon ng korte tungkol sa isyung ito.
Pagkatapos ng paglilitis, nagdesisyon ang korte tungkol lamang sa danyos. Magkasamang pinagbabayad si Mando at ang JDC ng P500,000 (moral damages), P200,000 (exemplary damages), P50,000 (attorney’s fees) at ang nagastos sa paglilitis. Inutusan din ang JDC at si Mando na ibalik sa ayos ang lupa at orihinal na pundasyon ng gusali ng pamilya.
Inapela ng JDC at ni Mando ang desisyon ng korte ngunit wala ring nangyari. Ngunit noong Pebrero 17, 2005, binabaan lamang ng Court of Appeals ang halagang P500,000 at ginawang P300,000. Ngunit pareho pa rin ang naging desisyon tungkol sa ibang aspeto. Ang desisyon para kay Mando at sa JDC ay ipinadala sa opisina ng abogado nila noong Marso 2, 2005.
Lumalabas na lumipat na pala ng opisina ang nasabing abogado at hindi ito ipinaalam sa Court of Appeals. Kaya ang nangyari, noong Marso 17, 2006, naging pinal ang desisyong ginawa noong Pebrero 17, 2004. Nang malaman ito ni Mando at ng JDC, mahigpit nilang tinutulan ang desisyon. Hindi pa raw natatapos ang kaso dahil hindi pa naman sila nakatanggap ng kopya ng desisyon. Tama ba sila?
- Latest
- Trending