^

PSN Opinyon

Earth Day

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG Abril 22, 2008 ay ipagdiriwang sa lahat ng mga bansa bilang Earth Day, o Araw ng ating Daigdig.

Napakarami nang mga detalyadong pag-aaral, talumpati at pahayag tungkol sa nagiging pagkasira ng kalikasan ng ating mundo. Popular na mga kataga na rin ngayon ang “climate change” at “global warming” na ang ibig sabihin ay ang kakaiba at negatibong pagbabago ng klima, at ang mabilis na pag-init ng mundo.

Marahil, ang naging pinakasikat na impormasyon tung­kol sa usaping ito na talagang pumukaw sa kamala­yan nang maraming tao sa iba’t ibang bansa ay ang documentary film na ginawa ni dating United States Vice President Al Gore na pinamagatang “An Inconvenient Truth,” kung saan ay ipinakita at tinalakay ang nakaaalarmang katotohanan tungkol sa mabilis at patuloy na pagtaas ng temperatura sa daigdig.

Ang global warming, ayon sa naturang documentary at sa iba’t iba pang pag-aaral, ang dahilan ng maraming sakit, mga kalamidad at grabeng tag-init o taglamig.

Ang global warming ay resulta umano ng ilang natural na mga kaganapan (natural occurrences) at ng mga gawain ng tao (man-made).

Ang mga natural na kaganapan ay maaaring hindi natin kayang baguhin, kontrolin o impluwensiyahan, pero ang mga man-made na sanhi ng global warming ay puwede at dapat nating aksyunan.

Ilan sa mga itinuturing na ordinaryong gawain ng tao na sanhi ng global warming ay ang paggamit ng mga kemikal (tulad ng air spray at petrolyo), mga bagay na di-nabubulok, hindi maayos na pangangasiwa ng basura, etcetera.

Bawat isa sa sangkatauhan, Pilipino man o taga-ibang bansa ay may magagawa laban sa global warming sa pang-araw-araw na pamu­muhay, tulad ng pagtitipid sa kur­yente, gasolina at iba pang produktong petrolyo,pagpili ng mga kagamitang “environment-friendly” ang ma­ ter­yales, pagbawas sa nagi­ging basura at pag-tigil sa pagta­tapon nito kung saan-saan, at marami pang iba.

Nawa, ang pagdiriwang ng Earth Day ay maging ma­ka­buluhan para sa ating lahat, at magsilbi sana itong pang­gi­sing sa ating lahat upang tumulong tayo sa pro­teksyon at panga­nga­laga ng kalikasan, hindi lang minsan isang taon, bagkus ay araw-araw.

ABRIL

AN INCONVENIENT TRUTH

ARAW

EARTH DAY

SHY

UNITED STATES VICE PRESIDENT AL GORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with