ABRIL ng taong 2001 ng ilunsad ng Philippine Airlines (PAL) ang tinatawag na online booking. Gamit lamang ang teknolohiya ng internet maaari ng makapagpa-reserved ng airline tickets para sa mga pasahero.
Subalit sa online booking o online reservation, kailangan pa ring pumunta ng mga pasahero o ng travel and tours agency sa mga ticketing airlines para makuha ang ticket.
Kaya’t noong May 21, 2004, lumabas na ang tinata-wag na electronic o e-ticket, produkto o print-out itinerary mula sa online booking.
Mas madali at mas napabilis ang proseso ng pagkuha ng mga tickets para sa mga pasaherong lalakbay at mga travel and tours agency na nagnenegosyo.
Kahit nakaupo lamang, maaari ka ng magka-instant ticket patungo sa lugar na iyong pupuntahan.
Subalit sa kabila ng mabilis na teknolohiya ng electronic ticketing, may ilang mapagsamantala na ginamit ang teknolohiyang ito upang makapambiktima.
Ayon sa legal department ng PAL, sa kanilang talaan, simula Enero hanggang Abril ng taong ito, umabot na sa 1,168 ang bilang ng mga nagtangkang manloko sa online booking at electronic ticketing.
Kabilang dito ‘yung paggamit daw ng mga fraudulent credit cards sa online booking at pag-iisyu naman ng pekeng electronic ticket sa mga pasahero.
Karaniwan daw itong ginagawa ng mga putok sa buhong travel and tours agency at bogus na travel agents na hindi miyembro ng organisadong asosasyon ng travel and tours.
Katulad ng Philippine Travel Agencies Asso-ciation (PTAA) at International Air Transportation Association (IATA), kapag hindi daw miyembro ang isang travel and tours agency ng mga ito, magduda na kayo.
Babala ng PAL sa ating mga kababayang maglalakbay o magpaplanong lumakbay, tumungo lamang sa mga otorisado, lehitimo at lisensiyadong travel and tours agency.
Iwasan din daw ang magtipid, dahil ang karaniwang pang-akit ng mga nasa likod ng modus ng travel and tours ay ang pagbibigay ng mababang halaga ng mga tickets sa mga kostumer o pasahero.
Ang nakakalungkot sa sitwasyong ito ng electronic ticketing at online frauds, wala pa ring preventive measures o paraan para maprotektahan ang mga pasahero o kostumer, saan mang airlines ito.
Kaya’t ang tanging maipapayo ng BITAG sa ating mga kababayan upang huwag mabiktima, maging wais at MAG-INGAT!