NAPAKARAMING food supplements na mabibili sa botika. Sa dami ay nakalilito na. Dahil dito, susuriin natin ang limang popular na food supplements.
1. Silymarine – Ang silymarine raw ay para sa atay. May ibang naniniwala na kahit uminom ka ng alak o kumain nang maraming taba, ay makatutulong ang silymarine. Hindi po ganito ang paggamit nito. Ang silymarine ay binibigay lamang kung ang pasyente ay may hepatitis o cirrhosis. Kung healthy naman ang atay, puwedeng hindi na uminom ng silymarine.
Para saan ito: Hepatitis, cirrhosis.
Grado: B-
2. Coenzyme Q-10 – Ang coenzyme Q-10 ay isang anti-oxidant. May mga pagsusuri na nagpapakita na mabisa ang coenzyme Q-10 sa mga pasyenteng mahina ang puso o may heart failure. Hinihinalang baka makatulong din ito sa Parkinson’s disease at kanser.
Para saan ito: Heart failure
Grado: B
3. Ginkgo biloba – Ang ginkgo biloba ay nagmula sa dahon ng ginkgo tree. Ito ay nakapagpapalabnaw ng dugo tulad ng aspirin. Kagaya ng aspirin, puwede itong makatulong sa pag-iwas ng istrok at heart attack. Ngunit hindi pa ito subok ng siyensiya. Dapat ding ingatan ang pag-inom ng ginkgo biloba kasabay ng Aspirin. Posibleng masyadong lumabnaw ang dugo at magdulot ng pagdurugo.
Para saan ito: Pagbabara sa ugat sa paa.
Grado: B
4. Melatonin – Ang melatonin ay isang hormone na gawa ng ating pineal gland sa utak. Nakatutulong ito sa pag-ayos ng ating pagtulog lalo na kung may jet lag. Makatutulong din ito sa pagpapahimbing ng ating pagtulog. May nagsasabi na may anti-cancer effect din ang melatonin.
Para saan ito: Pampatulog
Grado: B+
5. Omega 3 Fish Oil –- Ang Omega 3 fish oil ay tinatayang pinakamabisang food supplement sa lahat. Ito’y dahil napatunayang mabisa para sa pag-protekta sa puso, pagbaba ng cholesterol, at pag-iwas sa istrok at heart attack.
Ayon sa pagsusuri, nakita ng mga doktor na ang mga umiinom ng Omega 3 ay mas-healthy kumpara sa hindi umiinom nito. Isang mabisang brand ay ang Vitahart, na mula sa Unilab.
Para saan ito: Sakit sa puso, mataas ang cholesterol.
Grado: A
Huwag po basta iinom ng food supplements. Ala min muna kung babagay ito sa inyo. Good luck po!
* * *
E-mail: drwillieong@gmail.com