Pagnanakaw at  pagpapatiwakal

DALAWA sa mga kababayan natin sa abroad ay nahatulan dahil sa pagnanakaw ng life vest sa eroplano. Sa tingin ko, hindi naman talaga mga tunay na magnanakaw ang dalawang ito, at maaaring nagawa lang nila ang aksyon dahil sa katuwaan, o di kaya, gusto lang nilang magkaroon ng souvenir sa kanilang biyahe.

Kahit minor lang ang kanilang ginawa at maliit nga lang ang parusa na ibinigay sa kanila ng korte, malinaw na nilabag nila ang kautusan na “thou shall not steal”, dahil kinuha nila ang property na hindi sa kanila.

Ang unang reaksyon ko sa nangyari, dapat na idiin sa mga Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) ang kahalagahan ng pagiging honest, at ang pag-iwas sa paglabag sa mga batas ng ibang bansa, malaki man o maliit ang kasalanan.

Dalawa din sa ating mga kababayan sa HongKong   ang diumano ay nagpakamatay, dahil daw sa matinding problema sa pera.

Talagang kawawa ang ating mga kababayan na umaalis bilang domestic helper, dahil baon na sila sa utang sa kanilang pag-alis pa lamang, dahil kadalasan hinihiram lang nila ang kanilang placement fee.

Ang pagkuha sa sariling buhay ay labag din sa kautusan ng Diyos, at maaari rin nating sabihin na ang pagkuha ng sariling buhay ay isang uri rin ng pagnanakaw, dahil ito ay kumukuha ng buhay na hindi sa kanila, dahil ibinigay lang ng Diyos ang buhay natin.

Sa dalawang pangyayaring ito, nakikita ko ang panga­ngailangan ng counseling para sa mga OFW, upang ma­bigyan sila ng gabay o di kaya moral support kung sila ay may personal problems. Papaano kaya natin gagawin ito?

Alam ko na dahil sa sobra ng dami ng mga OFW sa abroad, halos wala na ring panahon ang mga consul na bigyan sila ng coun-    selling. Ano kaya ang solution sa proble­mang ito? 

* * *

Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail: mailto:royseneres@yahoo.com, text 09163490402, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club 1986 Taft Ave. Pasay.

Show comments