Editoryal - Kaliwa’t kanan ang patayan
K ATATAPOS lamang ng Mahal na Araw kung saan nagtika ang mga may kasalanan. Marami ang nagsakripisyo at ang iba ay nagpapako pa sa krus. Pero isang araw makalipas ang Pasko ng Pagkabuhay, mayroon na agad pumatay ng kapwa.
Katanghaliang tapat nang pagbabarilin noong Lunes habang papatawid ng kalye ang legal department director ng Commission on Electons (Comelec). Tinamaan sa balikat si Atty. Wyne Asdala, 55, at iyon ang dahilan ng kanyang kamatayan. Namatay siya habang inooperahan sa
Si Asdala ang ikalawang opisyal ng Comelec na pinaslang. Ang una ay si Aleoden Dalaig na binaril sa Ermita,
Mahihirapan na naman ang pulisya sa paglutas sa krimen at maaaring ang kaso ni Asdala ay ma-ging katulad din ng kaso ni Dalaig. Matatambak na lamang sa sulok at maghihintay nang matagal.
Ang lantarang pagpatay sa Comelec official ay nagpapakita lamang ng kahinaan ng mga pulis sa pagsaklolo sa mga kawawang mamamayan. Masyado nang matatapang ang mga mamamatay-tao at wala nang pinipiling lugar. Basta’t ang nais nila ay maisakatuparan ang kanilang misyon.
Kung hindi sana ningas-kugon ang kampanya ng pulisya sa pagpapatrulya sa mga matataong lugar, maaaring nadakip ang dalawang lalaking nakamotorsiklo . Nagpakita na naman ng kulay ang pulisya kaya nalusutan. Kailan magkakaroon ng katuparan ang “motto” ng PNP na “we serve and protect”.
- Latest
- Trending