Mga pelikula tungkol sa OFWs
ANG aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang panauhing tagapagsalita sa pagbubukas ng “Cinema Diaspora,” isang festival ng mga pelikula tungkol sa OFWs, bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Migration Information Resource Center ng Department of Labor and Employment (DOLE-MIRC) na may temang “Tungo sa Pandaigdigang Kaalaman para sa OFW.”
Si Jinggoy, na chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development, at ng joint congressional oversight committee on labor and employment, ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng industriya ng pelikula sa tungkulin ng MIRC na magpalaganap ng impormasyon tungkol sa OFWs.
Ang pelikula kasi ay epektibong nakapaghahatid ng impormasyon sa paraang nakaaaliw o kaya naman ay nakaaantig ng damdamin, at tumitimo sa isip at puso ng mga manonood.
Si Jinggoy mismo ay gumawa ng pelikulang pang-OFW, ang “Katas ng Saudi,” na ginawaran ng “Gatpuno Villegas Cultural Award” sa Metro Manila Film Fest noong Disyembre, at kung saan ay itinanghal siyang Best Actor. Ang Katas ng Saudi ang pelikulang unang iprinisinta sa film festival ng Cinema Diaspora ng DOLE-MIRC.
Nagbabala
Sa kabuuan, sinabi ni Jinggoy na dapat ibigay ng pamahalaan ang buong suporta sa mga OFW na pangunahing nagtataguyod ng ekonomiya ng bansa. Ayon nga sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang OFW remittances noong 2007 ay umabot sa $14.45 bilyon.
* * *
Para sa mga kababayan nating naghahanap ng serbisyo publiko, maaari kayong lumiham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin ninyo at hin-di po matutugunan ang mga solicitation letter.
- Latest
- Trending