(Karugtong ng lumabas noong Martes)
BAKA mapahiya si Chief Supt. Pedro Tango, na slated na mapunta sa ARMM sa Mayo, sa ginagawang raket ni Chief Insp. Mabun. Baka malasin o maudlot pa ang promotion ni Tango dahil ke Mabun? Dapat posasan ni Tango si Mabun para hindi madamay ang pangalan niya sa raket nito, di ba mga suki?
Nakalimutan ata ni Mabun na hindi pulitiko ang amo niya kundi ang mga opisyales ng Philippine National Police (PNP). Maaaring bagyo siya noon kay Deputy Director Gen. Reynaldo Varilla, subalit nagretiro na ito noong Marso 5. Noong panahon nga ni Varilla e, itinapon siya sa liderato pa kaya ni NCRPO chief Dir. Geary Barias? Imbes na magtrabaho laban sa kriminal eh pagkaperahan ang laman ng utak ni Mabun. Dapat isuka ng PNP ang opisyal na tulad ni Mabun para mabawasan ang putik sa imahe nila, di ba mga suki?
Kaya ang payo ko kay PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr., isyuhan niya ng order si Mabun sa ARMM para mauna siya kay Tango. Doon sa Mindanao ipakita ni Mabun ang tapang niya para makinabang naman ang gobyerno. Sa Mindanao kasi, maraming rebelde at tingnan natin kung mabagsik din ang dating ni Mabun doon, he-he-he! Parang nakikita ko si Mabun na nagsusumigaw na “Ibalik nyo ako sa Malabon City”. Parang sa sine no mga suki?
Ang ipinagtataka ko lang, bakit nagpagamit ang pulitiko ke Mabun na isinuka na sa Malabon City police force. Aalamin ko kung sino ang pulitiko na walang pagmamahal sa taga-Malabon. Husgahan n’yo siya mga suki sa darating na election.