‘Tirador o Traydor?’ (The carnapper Kuno Story 2)
MATAPOS isa-isang ipinakilala sa BITAG at National Bureau of Investigation Anti-Terrorism Division-Intelli-gence Service ang miyembro ng grupo ni Tirador, dinala niya kami sa kanila daw prospek na bibiktimahin.
Sa isang gusali sa West Membo
Ayon kay Tirador, ang kanilang pakay sa Koreano, ang puting Toyota Fortuner daw nito na kanilang kakarnapin.
Lahat ng impormasyong ito, matapos idokumento ay metikulong binusisi ng hepe ng NBI-ATD-IS na si Atty. Romulo Asis at BITAG ang lahat ng ipinakita ni Tirador sa amin.
Sinimulan din namin ang pag-profile kay Tirador at sa grupo nito. Subalit nasa kalagitnaan kami ng aming imbestigasyon, tumawag ang lider ng grupo ni Tirador na si Anthony.
Dito, handa na raw ang kanilang grupo,
Kinabukasan, katulad ng mga dating operasyon na magkasama ang BITAG at NBI, maaga pa lamang ay preparado na ang lahat.
Maingat na pinag-aralan at plinano ang bawat hak- bang at kilos na gagawin ng grupo ng mga karnaper kung saan kasama dito ang asset naming si Tirador.
Bago umalis si Tirador sa Headquarters ng NBI-ATD-IS, alam naming kabisado na niya ang kanyang papel at gagawin ng mga ahen-te ng NBI sa delika-dong operasyon na ito.
Katulad ng pinag-usapan, alas-7 pa lamang ng gabi, nakapuwesto na ang grupo ng BITAG at NBI sa paligid at bawat kanto ng target area sa West Membo
Makailang beses na nagpabalik-balik ang grupo ng mga karnaper kasama si Tirador sa target area sakay ng isang motor, dito, sigurado kami na sinu-surveillance din nila ang lugar.
Subalit alas-diyes na ng gabi, hindi pa rin dumadating ang Toyo-ta Fortuner na pagmamay-ari daw ng Koreano habang si Tira-dor at ang kanyang mga kasama, papuwesto pa lamang malapit sa gusali.
Nakaantabay na ang aming grupo maging ang mga NBI agents na nakakalat sa paligid, hindi namin inaasahan ang mga sumunod na nangya-ri…
Abangan ang huling bahagi…
- Latest
- Trending