NAANYAYAHAN kami ng young and energetic Agriculture Secretary Arthur Yap sa kanyang official visit sa Dubai, United Arab Emirates. Isa lang ito sa mga economic diplomacy thrusts ng Arroyo government upang tumuklas ng markets sa mga produktong agricultural ng Pilipinas at mag-anyaya ng foreign investors na mamuhunan sa’tin. Ibig patunayan ni Arthur na sa kabila ng gulong political, dapat asikasuhin ang pagpapasigla ng kabuhayan sa kapakanan ng taumbayan. Palibhasa, karamihan sa mga nalalathalang balita (kasama sa pahayagang ito) ay negatibo at nagpapainit sa ulo ng taumbayan para mag-alsa laban sa administrasyon ni GMA. Iyan naman ang standing order ni PGMA sa buong gabinete. Not to be sidetracked by the political mayhem.
Nakapagsara ng mga MOA si Yap kasama rito ang multi-milyong dolyar na “Halal hub” sa Davao. Diyan ipo-proseso ang mga produktong pagkain, mula sa karne, gulay at isda alinsunod sa paraan ng mga Muslim at ang malaking pamilihan diyan ay ang buong Gitnang Silangan. May UAE delegation na darating sa Pilipinas upang gawing pinal ang kasunduan with President Arroyo at the helm of it all. Inanyayahan din ang mga Pinoy workers na nagtatrabaho sa UAE na mamuhunan sa Pilipinas sa larangan ng agrikultura. The Dept. of Agriculture will assist them from loan sourcing to the provision of technology at mga binhing hybrid na itatanim.
The message is clear which I now share with you. Iyan naman ang paninindigan ko noon pa. Na huwag bayaang hadlangan ng politika ang mga programa sa kapakanan ng mamamayan. Bago kami lumipad noong nakaraang Lunes, nagkaroon ng malaking protest rally laban sa administrasyon sa paggunita ng People Power I. Pagdating namin noong Biyernes ng gabi, katatapos lang ng isa pang malaking martsa laban sa Arroyo government sa Makati. Bukod sa’kin, inanyayahan din sa working visit ang kapamilya kong si Marian Go ng Philippine Star at ang Managing Editor ng Abante na si Nick Quijano.
Siyanga pala, salamat kina Agri USECS Bernadette Romulo-Puyat at Clayton Olalia, incoming Agri attaché to the Middle East Gil Herico. N. Luzon Agri Quadrangle Director Roy Imperial at Gissele Flores, Trade desk officer for UAE ng Department of Agriculture. Hindi kami ipinaubaya sa media officer lang kundi sila mismo ang umalalay sa amin throughout the 4-day trip. Hindi lang sila nagsilbing briefer sa mga balita kaugnay ng working visit ni Agri Sec. Yap kundi tourist guide pa. Sosyal kami! Top level ang mga umasikaso sa’min. Sey n’yo? This is something we ap-preciate.
And saving the best for the last, thanks to my kumare Monchet Laraño who conveyed Sec. Yap’s invite to me. Si Monchet ay ang masipag na me-dia officer ni Sec.