^

PSN Opinyon

Poder sa appointments

- Roy Señeres -

WALANG question na ang Kongreso kasama na ang Senado ay may co-equal powers sa Executive Branch, sa pangunguna ng Malacañang. Wala ring question na kasama sa kanilang equal powers ay dapat mayroon silang equal or mutual respect sa isa’t isa. Sa totoo lang, mas makapangyarihan ang mga Senador dahil sila ay halal ng taumbayan hindi katulad ng mga executives na appointed lang. Totoo man ito, bakit umabot sa punto na nagkaroon pa ng Executive Order 464 na nagbabawal  sa mga Cabinet secretary na humarap sa Senado na walang pahintulot ng Malacañang?

Mabuti na lang at dahil sa collective wisdom ng mga Obispo, nanawagan na sila na bawiin ang EO 464. Ga­no­on pa man, parang mabagal ang reaksyon ng Ma­lacañang dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa nila sinasagot ang panawagan ng mga Obispo. Maliban sa sinabi nga ng Obispo na ang EO 464 ay hadlang sa paglabas ng katotohanan, parang binabawasan din nito ang poder ng Senado.

Marahil ang isang dahilan kung bakit hindi takot ang mga miyembro ng Cabinet sa Senado ay maaari naman silang umupo sa puwesto kahit ilang beses na silang na bypass ng Commission on Appointments (CA). Bale  wala na nga ba ang poder ng CA?

Sa panig naman ng mga ambassador, malinaw  na may poder pa rin ang CA, dahil lahat ng promotion at    foreign assignment nila ay dumadaan pa rin sa confirmation. Ganoon pa man, bakit may mga ambassador na parang walang takot sa CA, kahit alam nilang dadaan at dadaan sila roon sa ayaw nila at sa gusto?

Itong si Ambassador Isaias Begonia na nasa Qatar ngayon ay maaring gawing halimbawa ng isang diplo-    mat na parang walang takot sa CA.

Tinawagan siya ng OFW Family Club ng apat na beses upang humingi ng tulong para sa mga OFW na may problema, ngunit hindi  siya sumagot kahit minsan. Nang inilabas ko ang kan­yang pangalan dito sa column ko last week, saka      pa lang siya sumagot at siya pa ang nagalit. Hindi ba dapat siyang hadlangan pagdaan niya sa CA?

Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Monday to Friday. E-mail [email protected], text 09163490402, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club 1986 Taft Ave. Pasay

AMBASSADOR ISAIAS BEGONIA

FAMILY CLUB

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with