HINDI biro ang kumuha ng empleadong ilalagay sa mga sensitibong posisyon gaya ng kahera, bodegero, purchaser at iba pang katulad nito kaya naman pinag-iingat ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga may-ari ng tindahan, company, maliit man o malaki.
Babala ito sa mga negosiante sa pagkuha ng longka-tu kaya kailangan busisiin mabuti ang kanilang records tulad ng birth certificate, school records, police clearance at siempre ang NBI clearance.
Ika nga, mabuti na ang nagiingat!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mag-ingat sa isang nagpapakilalang Mary Ann Retubis ng Barangay Marianos, Numancia, Aklan porke nadale niya ang kaibigan ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasi nagtiwala todits ang kanyang bagong bossing matapos itong makapagpakita ng NBI clearance na nakatala na alaws siyang derogatory record kaya naman presto ginawa siyang kahera sa isang tindahan dyan sa Kyusi.
Ang NBI na ipinakita ng ating kontrabida este Mary Ann pala ay pirmado pa ni Emelyn Aganan, bossing ng EPD Division na iniisyu last March 21, 2007 kung peke man ito o hindi iyan ang malaking question mark?
Natuklasan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindi pala ang kaso ni Mary Ann estafa pala at may kaso sa Kalibo, Aklan last Sept. 27, 2000. Kaya naman naggagalaiti sa galit ang naging bossing nito porke nadale siya ng malaking halaga.
Sari-saring kagaguhan at kawalanghiyaan ang ginawa ni Retubis sa kanyang bossing tinira ang pitsa sa araw-araw na kita nito at ang masaklap pa ay namaniobra nito ang mga debt card transaction.
Hindi natin sinisisi ang NBI kung nagkaroon ng kapalpakan ang clearance na ibinigay nila kay Retubis malamang na pineke ng gaga ang dokumento ng National Bureau of Investigation.
Sa puntong ito tiyak na hindi makakapayag sina NBI bossing Nestor Mantaring at Atty. Rey Esmeralda.
Sabi nga, hulihin at sabunutan si Retubis.
Abangan!
Palakpakan ang mga Obispo, Hehehe!
DEHINS kinakampihan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kanilang decision last two nights ago sa ipinalabas nilang mandatos regarding sa pagpapatalsik kay Prez Gloria Macapagal Arroyo.
Hindi nagpadala ang mga Obispo sa isinisigaw ng mga kritiko ni GMA basta ang sa kanila ay alisin lamang ang Executive Order 464.
Gusto nilang payagan dumalo ang kanyang mga galamay ni Prez Gloria sa mga pagdinig na magbigay linaw sa mga isyu ng katiwalian upang malaman ng madlang people ang katotohanan.
Ika nga, sa puntong ito ayaw manghimasok ang Obispo sa problema ng gobierno ni Ate Glo!
‘Takot kaya ang mga Obispo na masingil sila ng buwis ng gobierno ?’ anang kuwagong mapagsamantala.
‘Mabulgar kaya ang mga tagong yaman ng simbahan kapag kinampihan nila ang critics ni GMA?’
‘Yan kamote sila-sila lang ang nakakaalam niya.’
Abangan!