DUBAI, UAE – Inaasahan ngayon ang pagdating ni Agriculture Secretary Arthur Yap para lumagda ng mga kasunduan sa pagsasapamilihan ng mga produktong agricultural ng Pilipinas. Double purpose ang opisyal na pagbisita ni Yap. Follow up ito ng naunang pagdalaw dito kamakailan ni Presidente Arroyo na ang layunin ay pasiglahin ang economic relations ng dalawang bansa.
Inaasahang magkakaroon ng paglalagda ng mga kasunduang pang-negosyo ng mga Filipino at Arab investors.
Ironically, habang ang isang cabinet member ay abala sa ganitong aktibidad, hindi pa rin humuhupa ang tensyong politikal sa bansa. Sa mata ng daigdig, lumilitaw na napakaligalig ng situwasyon sa Pilipinas. Sana naman, sana lang – huwag maging balakid ito sa mga prospective investors na nagpahayag na ng interes na mamuhunan sa bansa.
Maganda ang bilateral trade ng United Arab Emirates at Pilipinas. Noong 2006, bilateral trade stood at US$520.27 million. Malaking lukso ito kumpara noong 2005 kung saan ang kalakalan ng dalawang bansa ay nasa US$333.1 milyon lamang. Mahigit 50 porsyentong pagtaas iyan. At alam n’yo ba na mahilig sa saging ang mga Arabo? Philippine banana is the top RP export products to the UAE. 67 porsyento ng mga produktong iniluluwas dito ng Pilipinas ay saging.
Harinawa na sa gitna ng mga gulong nangyayari sa bansa ay hindi tayo maging “banana republic.” Joke lang.
Hindi puwedeng menusin ang United Arab Emirates dahi ito ay nananatiling pinakamalaking export market ng Pilipinas sa Middle East at Africa. This is not to mention the fact na maraming Filipino workers ang nagtatrabaho rito.