EDITORYAL — Tsiken lang ang P500 thou!
MARAMING Pinoy ang walang pambili nang ilalaman sa kanilang nagrerebeldeng sikmura. Kaya kapag nakadelehensiya ng P50 o P100 ay tuwang-tuwa na. May pambili na ng ilang pirasong tinapay o di kaya’y isang kilong bigas, isang latang sardinas at isang boteng bagoong para sa tanghalian o hapunan. Solb na ang problema at bahala na lang na problemahin muli ang para sa susunod na paghilab ng tiyan.
At habang marami ang mga Pinoy na nagpapakahirap para kumita nang karampot, may mga opisyal naman pala ng gobyerno na kung mamudmod ng pera ay talo pa si Santa Claus. Madali lang magprodyus ng pera para maibigay sa “nangangailangan”. Tsiken lang ang P50,000 o kahit P500,000. Walang problema. Pera lang ‘yan.
Nang tumestigo si Lozada sa Senado kaugnay ng national broadband network (NBN) nabanggit niya na binigyan siya ni Deputy Executive Sec. Manuel Gaite ng P500,000 noong siya ay nasa
Inamin naman agad ni Gaite na binigyan nga niya ng pera si Lozada. Loan daw iyon ni Lozada. Babayaran daw iyon.
Pero ang nakapagtataka, isang araw mula nang sabihin ni Gaite na sa kanyang bulsa nanggaling ang pera, sinabi ng Malacañang na sa isang “private source” nanggaling ang P500,000.
Ano ba ang totoo rito? Nakalilito na ang mga pahayag ukol sa P500,000. Kanino ba talaga galing at para saan ang pera?
Bago pa ang isyu sa P500,000, naging isyu muna ang P50,000 na ibinigay ni dating Cabinet member Mike Defensor kay Lozada nang ito ay nasa Greenhills. Sariling pera raw ni Defensor iyon. Sinauli rin ni Lozada ang pera nang humarap sa Senado.
Tsiken lang ang P500,000 at P50,000 sa mga opisyal ng gobyerno.
Habang marami ang namumutla at namumuti ang mata sa gutom, namumudmod naman ng pera ang mga opisyales ng gobyerno. Balewala sa kanila ang daang libo.
- Latest
- Trending