^

PSN Opinyon

Magsasaka, mangingisda ‘high-tech’ na rin

- Al G. Pedroche -

MAGANDA at ambisyoso ang programa ng Department of Agriculture. The department headed by Sec. Arthur     Yap is speeding up the implementation of an ambitious       program to let small farmers, fisherfolk and agribusiness entrepreneurs cruise the Info highway. Ibig sabihin, magkakaroon ng tsansa ang mga mangingisda at mag­sasaka na mapasok ang electronic database system ng DA sa pamamagitan ng pagbutinting sa computer. Maka­kahango sila ng mga kaalaman sa bagong teknolohiya na magpapataas sa kanilang ani at madaragdagan ang kanilang kita.

Bukod diyan, mapapasok na nila ang tinatawag na on-line trading sa pagbebenta ng kanilang produkto.  Kung tutuusin, baka tayo na lang ang nahuhuli sa teknolohiya pero okay na rin basta’t maihahabol ng DA. Kasi naman, labis ang pulitikang umiiral sa bansa kaya nababansot ang pag-unlad natin.

Ayon sa Bureau of Agricultural Research (BAR), ang Comprehensive Agriculture and Fisheries Integrated Management System (CAFIAMS) ay naglalayong bigyang kaalaman ang mga maliliit na farm producers sa mga teknolohiyang makapagpapataas sa kanilang ani at kita.

Welcome development iyan dahil tayo’y nasa cyber age na.  Basically, nagpupumilit lang ang bansa na maging industrial nation pero talagang agricultural country tayo na kung tutuusin ay dapat kainggitan ng ibang bansa. Kung sakaling dumating ang tag-gutom sa daigdig, meron tayong makakain maski papaano pero yung mga nasa disyerto ay hindi puwedeng lagukin ang kanilang krudong langis. Balikan natin ang bagong project ng DA.

Sa pamamagitan ng CAFIAMS,  ang mga magsasaka ay puwede nang maki­pag-tie-up electronical­ly sa ibang mga magsa­saka sa ibang panig ng bansa. This is with the aim in view to synchronize planting, harvesting and delivery schedules to help them command the best possible prices for their products and ensure the stea­ dy supply of food staples.

Katunayan, nakiki­na­ bang na sa proyekto ang may 2,515 onion farmers na nagsasaka sa 2,132 hectares ng lupain sa buong bansa. Kapag ito’y napalawak pa at masakop ang ibang mga sakahan pati na ang fisheries sector, tiyak papa­tok ang ating pangingisda at agrikultura.

AYON

BALIKAN

BUREAU OF AGRICULTURAL RESEARCH

COMPREHENSIVE AGRICULTURE AND FISHERIES INTEGRATED MANAGEMENT SYSTEM

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with