^

PSN Opinyon

Pagkakaisa ng mga OFW

- Roy Señeres -

SA utos ni Labor Secretary Arturo Brion, inatras ng Philippine Overseas Employment Authority (POEA) ang pagpapatupad ng Memorandum Circular No. 04 (MC-04) dahil din sa matinding pagtutol ng mga migrant groups katulad ng Migrante International at ng Center for Migrant Affairs (CMA). Katulad ng lagi kong sinasabi, nagpapa­salamat ako na may mga grupo tulad ng Migrante at CMA na kumikilos sa kapakanan ng mga OFW dahil kung wala sila, marahil hindi rin makikinig ang gobyerno.

Tinutulan ng mga grupo ang MC-04 dahil ang perang ibabayad ng mga employer sa bond na hinihingi ng kautusan ay maaaring ibabawas lang daw sa sueldo ng mga OFW. Maliban pa diyan, sinabi ng mga grupo na      hindi raw sila kinunsulta ng gobyerno bago ilabas ang utos na ito.

Dalawa ang leksiyon na maaaring matutunan sa pag-atras na ito. Una, nakita na maaari naman palang magba­go ang mga patakaran ng gobyerno kung may malakas na pagtutol. Pangalawa, nakita may poder pala ang mga OFW kung sila ay magsama at magkaisa sa mga isyu.

Ano pa kaya ang mga isyu na maaaring magsama at magkaisa ang mga OFW upang maparating sa gobyerno ang kanilang kagustuhan? Sa tingin ko, dapat unahin ang suliranin ng mga OFW ngayon tungkol sa palitan ng dollar sa peso. Kailan lang naglabas ng plano ang gobyerno na mag-alok ng investment bonds sa mga OFW, ngunit parang hindi naman natutugunan ang problema dahil dapat pang gumastos ang mga OFW, sa panahon na gipit sila sa pera.

Bakit hindi na lang mag-isip ng mga paraan ang         gob­yerno na makatipid o    di kaya kumita ng mga  OFW sa halip na sila pa  ang maglabas ng pera? Halimbawa, bakit hindi hikayatin ng gobyerno ang mga banko na babaan ang kanilang remittance fees?   O di kaya hikayatin nila    ang mga malalaking negos­yante na magbigay ng emergency discount sa mga OFW habang may crisis pa sa palitan?

* * *

Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail: [email protected], text  09163490402, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club 1986 Taft Ave. Pasay.

FAMILY CLUB

LABOR SECRETARY ARTURO BRION

OFW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with