^

PSN Opinyon

Solusyon laban sa oil spills

SAPOL - Jarius Bondoc -

BUONG mundo ang nalulunod sa malimit na oil spills sa karagatan. Sa dami ng oil tankers na bumibiyahe sa lahat ng sulok ng daigdig, malaki ang tyansa na isa sa kanila ang sumadsad o mabunggo, at magsuka ng tone-toneladang krudo na nagwawasak ng kalikasan. Kaya simula Abril 2008 ilalatag ng International Maritime Organization ang patakaran: Lahat ng oil tankers ay dapat double hull na. Ang magpapatupad ng ruling sa Pilipinas ay ang Maritime Industry Authority, sa pamamagitan ng Memo Circular 2007-001 noon pang Enero 2007.

Sa Pilipinas nito lang nakaraang taon, tatlong oil spill ang naganap sa Semirara (Antique), Guimaras (Iloilo), at Ozamis (Misamis Occidental). Bilyon-pisong halaga ng laman dagat at tourist spots ang napinsala. Hindi matak­pan ng multa na mga ship owners ang pagkalugi ng mangingisda at resort operators. Kaya napapanahon ang pagbago sa double hull tankers. Ngayon pa lang, sina­sabihan na ng Petron, Shell at Chevron ang kanilang tanker contractors na mag-double hull vessels na.

Ang hull ay ang pinaka-katawan ng barko. Kapag doble ito, merong dalawang protective layer: Ang water-tight steel body sa labas, at ang dagdag pang bakal sa loob bilang backup kung sakaling bumigay o nabutas ang una. Hindi na papasukin ng tubig-dagat o tatagas ang kargang krudo kapag double hull na.

Mahal magpa-convert ng single hull tungo sa double     hull:  Umaabot sa $12-15 milyon para sa 5,000-ton tanker. Kung brand-new double hull, mahigit $35 milyon ang presyo.

Natural may mga ship owners na umaangal. Pinade-delay nila ang deadline sa pagbago sa double hull. Imbis na sa Abril, saka na lang daw.

Pero hindi ito maaari. International ang deadline;   kapag sumuway ang Pilipinas, maba-blacklist ito sa international shipping. Walang choice ang tanker owners kundi sumunod sa patakaran. Kung hindi, baka wala silang makuhang negosyo mula sa oil companies. Archipelago ang Pilipinas, kahiya-hiya sa mundo kung tayo pa ang hindi makatupad.

ABRIL

DOUBLE

HULL

INTERNATIONAL MARITIME ORGANIZATION

KAYA

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

MEMO CIRCULAR

MISAMIS OCCIDENTAL

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with