PAGBABAHAY-BAHAY ang bagong estilo ng mga pes-teng fixers ng mga ahensiya ng gobyerno upang tangkili-kin ng mga nangangailangan ang kanilang serbisyo.
Mga graduating students na may board exams ang kinukuhang kurso ang kanilang paboritong prospects.
Ito ang sistemang natuklasan ng BITAG at Mission X nang lumapit sa amin ang isang graduating student ng isang kilalang criminology university sa Maynila.
Ayon sa nagrereklamo, katatapos lamang ng kanyang board exam nang puntahan siya sa bahay ng isang nagpakilalang rehistradong fixer umano ng Professio- nal Regulation Commission (PRC).
Nagpakilala ito na kapatid umano siya ng isang kila lang opisyales ng PRC. Pinipilit ang estudyante na ipasilip sa kanya ang kanyang grado sa katatapos lamang na board exam.
At kung sakaling bagsak daw ang grado ng estudyante ay kayang-kaya niyang ipasa ito. Sa tulong daw ng kapatid na nagtatrabaho sa PRC ay magagawa niyang dukutin ang resulta ng kanyang board exam.
Ayon pa sa estudyanteng nagsumbong sa BITAG at Mission X, sa halagang dalawampung libong piso, magagawa daw ng fixer na siya ay magkalisensiya.
Nagawa na daw niyang tumanggi sa unang pagkakataon subalit makulit at binabalik-balikan daw siya ng nasabing fixer.
Dahil pamilyar ang estudyante sa tunay na modus ng mga fixers, minabuti niyang lumapit sa BITAG at Mission X. Agad naming ikinasa ang entrapment operation na ginawa mismo sa loob ng bahay ng biktima.
Pinatunayan din ng PRC na ang fixer at ipinapakila-lang kapatid daw nito na opisyales ng PRC ay hindi nila mga empleyado.
Giit ng nagsumbong na estudyante, mas mainam na ang magkalisensiya dahil sa sariling hirap at pagod kesa umasa sa serbisyo at mabiktima lamang ng mga manlolokong fixers.
Panoorin ngayong Sabado sa BITAG!