KUNG nanonood kayo ng mga programa ng Discovery Channel at National Geographic, malamang nakapanood na kayo ng mga hayop na bigla na lang umaatake sa tao. May elepante na tinatapak-tapakan ang kanyang taga-ensayo at leon na bigla na lang inaatake ang isang tao. Ipinapahiwatig sa atin, na ang isang mabangis na hayop ay mananatiling mabangis, kahit ano pang pagtuturo at pagsasanay ang gawin dito. Kaya dapat laging mag-ingat, lalo na sa paligid ng mga hayop.
Sa totoo nga, kahit mga aso na kontodo ang pagsasanay, na sinasali pa nga sa mga paligsahan, may naririnig ka pa ring mga insidente na bigla na lang kinagat ang mga amo nila nang walang dahilan. Ganun talaga, mga mabangis na hayop pa rin sila.
Kamakailan, sa San Francisco, USA, may namatay na bisita ng isang zoo nang makawala ang isang tigre at inatake ang isang grupo ng mga binata. Kahit mga sanay na sanay na tao, na taon na ang binibilang sa paghahawak at pag-aaral sa mga hayop, ay nag-iingat pa rin kapag nasa paligid ng mga mabangis na hayop, maging malaki o maliit. Isa na rito si Steve Irwin, na may palabas na Crocodile Hunter sa Discovery Channel at Animal Planet. Ilang taon na siyang humahawak at pinag-aaralan ang ahas, buwaya, at sari-sari pang hayop, pero sa isang insidente sa dagat, nagkamali pa rin siya habang pinag-aaralan ang isang pagi. Nairita ang pagi sa kanya at inatake siya bilang pagdedepensa sa sarili. Sa sawing palad naman, namatay si Steve Irwin sa insidenteng ito dahil nasaksak sa dibdib ng buntot ng pagi si Irwin.
Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit pa may isang “petting zoo” o isang zoo kung saan puwedeng hawakan o himasin ang mga hayop, at ahas pa ang puwedeng himasin! Mga katulad ng aso, unggoy, lumba-lum ba, killer whale, sea lions, elepante o kahit mga usa, iyan ang mga puwedeng turuan para maging maamo at masunurin sa mga utos ng tao. Pero ahas, na napakaliit ng utak at hindi ito matuturuan o ma papaamo sa kahit kanino, iyan pa ang pinahahawak sa mga bata. Kaya nangyari na nga na may batang kinagat ng isang walang kamandag na ahas. Pero sigurado ako masakit pa rin iyon, at natakot nang husto malamang ang nakagat. Kahit ano pang sabihin ng nag-aalaga sa ahas na ito ay maamo, walang kamandag at hindi mapanganib sa tao, yung pagkakagat sa bata ay sapat na pruweba na hindi dapat pinahahawak o pinahihimas sa tao ito. Malamang nairita na rin iyong ahas sa dami ng humahawak sa kanya, kaya nanuklaw. Kahit mga sawa na tila mabagal kumilos at hindi agresibo, may mga okasyon na aatake na lang ang mga ito. Dapat pag-aralang mabuti kung tama na pi nahahawak sa mga bata ang mga hayop. Ang insidenteng ito ay sapat na para sabihin na hindi talaga puwedeng ipagsama ang mabangis na hayop at tao basta-basta.