^

PSN Opinyon

Luding, ng Baguio City

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

GINAGAMIT ni Luding at isang Ka bonggaling ang pangalan ng Chief Kuwago sa kanyang kalokohan dyan sa Baguio para hindi ito masaling ng katulisan este mali kapulisan pala sa kanyang illegal na gawain.

Sabi nga, jueteng!

Ang gagong si Luding ang panibagong bangka sa nasabing lugar matapos umatras ang grupong dating namamayagpag todits.

Wala naman ginagawang aksyon si CAR bossing Regional Director Eugene Marting sa operasyon ng jueteng.

Kung bakit?  Si Martin lang ang nakakaalam.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking halaga ng salapi ang naging usapan para maging bangka ng jueteng si Luding sa Baguio.

Kung magkano sila-sila lang ang nakakaalam na mga bugok na lespu.

Ika nga, nakatara ng maganda!

Ang akala ni Luding hindi matitiktikan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ginagawa mong kawalanghiyaan dyan sa bago mong trono.

Ang area ni Luding ay dyan sa Buguias, Benguet, Tuba at Baguio. May P3 million weekly ang kinikita ni Luding.

Ang masama kinakasangkapan daw ni Luding ang pangalan ng isang Ka Ambay porke ito ang tumatayong management sa nasabing area ni kamote.

Abangan.

Si Cesar pilosopo ng kyusi

Si Cesar pala ang kolektor ni Morata a.k.a garapata sa mga sugalan dyan sa kyusi para ipantapal sa mga bugok na katulisan sa NCRPO.

Tiyak hindi alam ito ng NCRPO bossing Geary Barias!

 Sir, kalugin mo ang R2 para malaman mo ang ulat ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para sila ang maglinis ng dumi dyan sa office ninyo kung mayroon man.

 Problema ito kapag  nakarating sa tanggapan ni Mayor Sonny Belmonte ang kagaguhan ng grupo ni Morata.

May paglalagyan kayo!

‘Tiyak may aksyon mangyayari kay Morata at bata nitong si Cesar’ anang kuwagong mental patient.

‘Wait and read’.

vuukle comment

CHIEF KUWAGO

GEARY BARIAS

MORATA

SI CESAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with