Alisin ang taripa sa langis

GRABE na ang itinaas ng presyo ng imported crude oil. Nasa $100 na kada bariles.  Noong araw, ito’y nasa $30 lang. No wonder, sa kabila ng paglakas ng piso, hindi madama ng mamamayan ang epekto nito. On the contrary, lalu pang nagmamahal ang mga bilihin.

Natural taumbayan ang mahihirapan. Lahat ng by-products ng krudo tulad ng petrolyong nagpapatakbo ng industriya at transportasyon at nagluluto ng ating kinakain sa araw-araw ay apektado.

Isang paraan lang ang puwedeng gawin para maiwa­san ang pagtaas sa halaga ng mga produktong petrolyo. Alisin ang taripang ipinapataw sa langis o yung tinatawag na Expanded Value Added Tax.

Pero bakit kapag pag-aalis ng EVAT ang pag-uusapan, laging tumututol ang gobyerno? Lahat naman ng produkto at serbisyo ay pinapatawan ng EVAT. Makatuwiran lang marahil na yung mga kalakal na kritikal sa kabuhayan ng mga maliliit na taumbayan ay bigyan ng exmption kahit pansamantala lamang sa ganyang uri ng buwis.

Masamang pangitain ito para sa administrasyon lalo pa’t sinasakyan na ng oposisyon ang usapin. Advocacy ngayon ng oposisyon na alisin ang taripa sa petrolyo. Plus factor ito sa oposisyon  lalu pa’t nalalapit na ang 2010 presidential polls.

Nagpapatawag ng energy summit si Presidente Arro-yo para resolbahin ang problema. Walang kahihinatnan ang summit na ito kung hindi aalisin ang EVAT sa langis. Hindi lamang oposisyon ang dapat magsulong ng gan-yang panukala kundi pati administrasyon dahil kapakanan na ng buong bayan ang nakataya.

Show comments