(Unang Bahagi)
HILIG n’yo bang kumain ng kinilaw na karne o yung malasado ang pagkakaluto? Mag-ingat! Maaari kayong magkaroon ng trichinosis. Ang trichinosis ay parasitic infestation kung saan ang larvae ng Trichinella spiralis ay nasa karne ng mga mammals, particular ang baboy. Ang larvae ng Trichinella spiralis ay karaniwang makikita sa muscle tissues ng baboy at iba pang hayop. Kapag nakain ng tao ang infected na karne o kaya ay ang mga sausages, masasalin sa kanya ang larvae.
Bagamat hindi naman masasabing malubha ang idinudulot ng trichinosis sa tao, mayroong iba na nagkakaroon ng seryosong problema rito. May mga nagkakaroon ng complications sa puso, baga at sa central nervous system. Kabilang sa maaaring maging sakit ay meningitis, enciphaletis (pamamaga ng utak), myocarditis, pneumonitis, pleurisy at maaaring maapektuhan ang paningin at ang pandinig.
Ang sintomas ng trichinosis ay depende sa dami ng parasites na nasa katawan. Maaaring makaramdam ng sintomas pero karaniwang-karaniwan na iyon.
Ang parasites ay pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagdaan sa digestive system at makalipas ang ilang araw, mangingitlog na sa dingding ng bituka. Ilang araw pa at mayroon nang larvae. (Itutuloy)