^

PSN Opinyon

Natapos ang 2007 pero walang pagbabago sa bansa

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NAPAKABILIS ng panahon. Parang kailan lamang nag-2007 at may nag-akala na hindi na magtatagal at mapa­patalsik si President Gloria Macapagal-Arroyo na laging binabatikos ng oposisyon, mga grupo ng civil society at iba pa.

Natapos ang 2007 pero nasa Malacañang pa rin si GMA na mukhang papasyal-pasyal na lamang sa iba’t ibang lugar ng mundo na parang hindi nag-aalaala na baka mapatalsik siya sa palasyo habang nasa labas ng Pilipi­nas. Sabi nila, patunay lamang ito na may self-confidence si GMA na hindi maaagaw ang silya niya sa Malacañang.

Marami naman ang mga nagsasabi na hindi naman daw talagang pagbubulakbol ang ginawang pagbisita ni GMA sa ibang mga bansa nitong nakaraang taon. Ilan sa mga bansang binisita ay ang China, Spain, UK, US at iba pang parte ng Asia at Europe.

May nagsabi na kailangang ayusin ni GMA ang lahat na ng kanyang mga contacts sa  China, Japan at iba pang umaasensong bansa sa Asya lalo na’t malapit nang matapos ang termino niya sa 2010. Baka iba pa ang makinabang.

May nakapagbulong sa akin na ang pagbisita ni GMA at First Gentleman Mike sa Spain kamakailan ay dahil doon sila magre-retire habang nagnenegosyo. Hindi raw maninibago ang mga Arroyo sa kultura ng mga Kastila sapagkat sanay na sila sa kaugalian ng mga ito. Kapag natuloy, siguradong maraming sasama sa mga Arroyo para maging guwardiya sibil.

Sa umpisa ng 2008, maraming nakikitang magiging aksyon ni GMA. Isa riyan ay ang balasahan ng mga Cabinet member at mga matataas na opisyal ng gobyerno. Magkakaroon daw ng iba’t ibang kontrobersiyal na aks­ yon si GMA na papatulan naman ng mga taga-oposisyon at mga kalaban niya sa pulitika. Tingnan nga natin kung talagang mababago ang mga tanawin sa Malacañang sa Senado at Kongreso.

COUNTRY

FIRST GENTLEMAN MIKE

GMA

MALACA

PLACE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with