SA Linggong ito nataon ang 101st anniversary ng migration ng mga Pilipino mula sa Ilocos papuntang Hawaii. Ayon sa iilang mga social analyst, ang migration daw ng mga Pilipino papunta sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay maaaring maihahalintulad sa Diaspora ng mga Hudyo mula sa Holy Land papunta rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa aking pananaw, parang hindi maganda ang paghahalintulad na ito, dahil sa pagiging negative ng experience ng mga Hudyo.
Ang dahilan ng migration ng mga Hudyo ay reli- gious at political, samantalang ang dahilan naman ng mi- gration ng mga Pilipino ay economic. Maaaring sabihin na ang dahilan ng pag-alis ng ibang mga kababayan natin ay political, dahil ayaw na nila ang nangyayari sa pulitika rito, ngunit mas marami pa rin ang umalis dahil sa economic reasons.
Sa panig ng mga Hudyo, marami sa kanila ang bumalik sa Middle East noong itinatag ang Israel, ngunit masasabi ko rin na marami rin ang nagpaiwan na lang sa kanilang mga bayan na pinuntahan, dahil siguro mas maganda na ang kanilang kalagayan doon. Sa panig naman ng mga Pilipino, marami sa kanila ang tumitira nang matagal sa kanilang mga adopted na bayan, ngunit sa tingin ko, halos lahat ay gustong bumalik bilang mga retirees.
Ayon sa estimate ng ating gobyerno, maaaring uma-bot sa walong million ang mga Pilipino na nasa abroad na ngayon, kasama na riyan ang OFWs at immigrants. Higit pa kayang dumami ang numerong ito? Sa tingin ko, dadami pa yan kung hindi gaganda ang economy natin. On the other hand, kung gaganda ang takbo ng bansa, sa tingin ko mababawasan ‘yan.
Iba rin ang experience ng mga Hudyo at Pilipino, dahil sa panig ng mga Hudyo, magkakasama ang buong pamilya sa kanilang pag-alis. Sa ating panig, madalas maiwanan ang pamilya, at iyan na nga ang dahilan kung bakit hindi maganda sa family unity ang pag-alis ng mga miyembro. Hindi mababayaran ng salapi ang pagsasama nila.
* * *
Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E:mail: royseneres@ yahoo.com, text 09163490402, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515.