^

PSN Opinyon

Gen. Razon, sibakin mo na si Supt. Segundo Duran ng Nueva Vizcaya PNP

- Bening Batuigas -

LUMALAKAS ang panawagan sa Nueva Vizcaya na siba­kin na ang provincial commander ng pulisya nila na si Supt. Segundo Duran dahil sa samu’t saring katiwalian. Ang ibig kong sabihin mga suki mukhang si Duran lang ang happy sa Nueva Vizcaya at wala ng iba pa. Sinabi ng sumbong sa akin na wala nang ginawa si Duran kundi gumawa ng pera sa illegal na pamamaraan. Kung saba­gay, naging laganap ang illegal logging at illegal drugs sa Nueva Vizcaya mula nang maupo roon bilang provincial director si Duran, anang sumbong sa akin. Sa tingin ng mga Novo Vizcayano, nakasandal sa pader si Duran sa­pagkat pati si Bishop Ramon Villena ay hindi kumikibo sa mga illegal niya. Lalo na sigurong tameme si PRO2 director Chief Supt. Ameto Tolentino na wala ring magawa laban kay Duran, di ba mga suki? Kaya bago lumala ang sitwasyon sa Nueva Vizcaya, nananawagan ang mga residente roon kay PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr., na sibakin  na si Duran para hindi na siya pamarisan pa, he-he-he!   Walang win-win situation dito kay Duran, di ba mga suki?

Hindi naman natitinag sa illegal logging operations sa Nueva Viscaya kahit ipinarating ko na kay Environment Sec. Lito Atienza ang problema. Sa totoo lang, tuloy ang ligaya nina Amer Magallanes at Joseph Hernandez, na dating pulis naman ng Bambang. Hindi lang illegal logging ang hawak nina Magallanes at Hernandez, Gen. Razon Sir kundi maging ang droga, anang sulat sa akin. Kung sinusuwag ni Duran si Gen. Tolentino, lalo na si Gov. Luisa Lloren-Cuaresma na kasangga niya sa illegal na gawain ng tropa niya. Sa punto ng illegal logging naman, inaalam pa ng mga espiya ko kung saan ipinadadaan ng tropa ni Duran ang mga illegally-cut logs nila para maka­baba dito sa Maynila. Pero para walang sita ito sa mga checkpoints ng military at PNP, ang ginagamit na sasakyan ng mga bataan ni Duran ay ang marked vehicle ng pulisya.

Maging ang mga kapulisan mismo sa Nueva Vizcaya ay nasusuka na rin sa corrupt practices ni Duran, anang sumbong sa akin. Kasi nga mga suki, pati kapulisan sa Nueva Vizcaya ay handang pumirma sa manifesto para sibakin na sa puwesto itong si Duran.

Maliban sa illegal logging at droga, si Duran ay inaakusahan din na ibinubulsa ang monthly operational expenses (MOE) ng mga pulisya sa mga bayan ng probinsiya. Hindi lang yan. Ang mga pulis ay nire-require rin ni Duran na mag-donate ng isang set ng kasangkapan na narra para i-regalo sa mga top brass ng PNP sa Camp Crame. Aba, magaling din palang sumipsip si Duran at hindi ako magtataka kung hindi siya mapaalis sa puwesto niya, di ba mga suki? Kaya lang papayagan kaya ni Gov. Cuaresma na babuyin lang ni Duran ang probinsiya niya? Kelan kaya kikilos si Bishop Villena para mahinto na ang garapalang illegal na aktibidades ni Duran? Abangan!

AMER MAGALLANES

AMETO TOLENTINO

AVELINO RAZON JR.

BISHOP RAMON VILLENA

DURAN

ILLEGAL

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with