^

PSN Opinyon

Huli na

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

ANG kasong ito ay tungkol sa 400 metro kuwadradong lupa na minana ni Letty mula sa kanyang asawa. Ito ang pinagmulan ng isang  pirmadong “kasunduan” sa pagitan ni Letty at Rosie noong Set. 28, 1981 kung saan binili ni Rosie ang nasabing lupa sa halagang P6,000. Ang pa­unang bayad ay P3,000 at ang balanseng P3,000 ay babayaran matapos makakuha ng bagong titulo ng lupa si Letty na nakapangalan na sa kanya. Pirmado rin ng mga anak ni Letty ang nasabing kasunduan.

Nang araw ding iyon, nagbayad na si Rosie ng P3,000. Sa mga sumunod na araw, paunti-unti niyang binayaran ang P2,500 hanggang sa P500 na lang ang maiwang balanse. Samantala, noong Set. 22, 1982, mahigit isang taon matapos magkapirmahan ang magkabilang panig, isang bagong titulo (TCT No. T-51153) ang inilabas na nakapangalan na kay Letty.

Matapos ang 13 taon saka inalok ni Rosie at ng kanyang asawa ang kakulangang P500 upang mapalipat na ang lupa ni Letty sa kanyang pangalan. Pinapipirma nila ng dokumento ng bentahan si Letty. Ngunit ayaw na nitong pumirma pati ang kanyang mga anak. Humihingi na sila ng dagdag sa napagkasunduang halaga. Dahil sa nangyari, nagsampa na ng kaso ang mag-asawa laban kay Letty upang puwersahin na ito na tuparin ang kanilang napagkasunduan. Argumento naman ni Letty, lumampas na ang nasabing asunto sa 10 taong itinakda ng batas (Art. 1144 (1) Civil Code). Dagdag pa nito, sinampa ng mag-asawa ang kaso noon lamang Agosto 15, 1995 o mahigit 13  taon na mula ng makuha niya ang titulo niya sa lupa noong Set. 22, 1982.

Ayon naman sa mag-asawa, dapat bilangin ang 10 taon mula 1995 kung kailan nila nalaman ang tungkol sa bagong titulo at ibinibigay na nila ang kakulangang P500. Hindi raw kasi sinabi sa kanila ni Letty na nakakuha na ito ng panibagong titulo. Tama ba ang mag-asawa?

MALI. Si Letty ang tama. Ang reklamo ng mag-asawa ay dapat na isantabi na. Ayon sa batas (Art. 1144 Civil Code), wala na silang kara­patang magsampa ng asunto.  Ang aksyon batay sa nakasulat at pinirma­hang kontrata ay may bisa lamang sa loob ng 10 taon mula sa petsang ginawa ito. Nagka­mali ang mag-asawa ng pili­tin nilang ibayad ang kaku­langang P500 matapos ang 13 taon. Huli na ang pagsa­sampa nila ng kaso.

Tungkol naman sa sina­sabi nilang hindi sila inabisu­han ni Letty tungkol sa pag­dating ng bagong titulo (TCT No. T-51153), hindi rin ma­aaring ipilit ng mag-asawa na wala silang alam tungkol dito. May tinatawag tayo sa batas na “constructive notice to the whole world”, ibig sabihin, hindi kailangang ipaalam sa kanila ang tungkol sa na­sabing bagay dahil dapat na may kaukulan na silang ka­alaman sa bagay na ito. (SPOUSES BORBE VS. CALALO, G.R. 152572, OCT. 5, 2007).

AGOSTO

ASAWA

AYON

CIVIL CODE

LETTY

MAG

ROSIE

SHY

SI LETTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with