EDITORYAL – Hindi dapat nilabag ang karapatan ng mga mamamahayag
NGAYON lang nangyari na ang mga mamamahayag ay itinali ang mga kamay at saka isinakay sa bus kasama ang mga rebeldeng sundalo at ilang sibilyan. Kakatwa na ang mga kumukuha ng report, video at retrato ay kasamang hinuli at itinuring na parang kapanalig ng mga rebelde.
Kung marami ang nagulat sa ginawa nina Sen. Antonio Trillanes at Gen. Danny Lim noong Huwebes ng hapon mas marami ang nagulat sa ginawa ng pulisya sa mga mamamahayag na nasa Manila Peninsula kung saan naglungga sina Trillanes.
Nag-walkout sina Trillanes sa court hearing at nagmartsa sa Makati Avenue kasama sina sina dating Vice President Teofisto Guingona, dating UP President Dodong Nemenzo, Bishop Julio Labayen, Fr. Robert Reyes at iba pa.
Hiniling nina Trillanes at Lim ang pagbibitiw ni President Arroyo.
Dakong
Pinosasan ang mga rebeldeng sundalo kabilang sina Trillanes at Lim at iba pang sibilyan subalit pati mga miyembro ng media ay hindi nakaligtas sa posas. Ipinarada silang nakatali ang mga kamay at isinakay sa isang bus at dinala sa NCR police headquarters sa Camp Bagong Diwa, Bicutan at doon inimbestigahan. Hindi makapalag ang mga mamamahayag sa ginawa sa kanila. Ang naitanong nila sa sarili ay ano ang kasalanan at inaresto sila gayong ang gjnagawa lamang nila ay kumukuha ng report. Mga legal naman silang mamamahayag at may mga sapat na identipikasyon.
Ayon kay Interior Sec. Ronaldo Puno, sinabihan daw nila na lumabas ang lahat ng taga-media sa hotel dahil may police operation. Pero ang utos ay hindi nasunod. Sampal sa mga mamamahayag ang ginawa ng PNP sapagkat hinuli sila habang ginagampanan ng mga ito ang tungkulin. Hindi dapat ginawa iyon ng PNP sa mga taong naghahatid ng impormasyon sa publiko. Hindi sila dapat itinuring na mga aso na anumang oras ay maaaring kadenahan. Pagyurak ito sa karapatan ng mga mamamahayag.
- Latest
- Trending