“HILAW” is the best word to describe the new mutiny launched by renegade Senator Antonio “Sonny” Trillanes kaya muling nabigo sa layuning itaboy sa Malacañang si Presidente Arroyo. Hindi luto at kulang sa sangkap.
Kasama si Brig. General Danny Lim at iba pang miyembro ng Magdalo na nililitis sa hukuman sa Makati, bigla na lamang naisipang mag-walkout at nagmartsa papuntang Peninsula Hotel. Ewan ko kung ito’y matagal nang plano pero sa tingin ko’y padalus-dalos na aksyon ito. Nasaan sina Sen. Jinggoy at iba pa niyang kasama-han sa oposisyon? Wala. Nasaan ang “critical mass” o sangrekuwang tao na dapat sana’y pumalibot sa Peninsula Hotel para suportahan siya? Wala. Wala rin siyang suporta ni katiting mula sa military at sa police force.
Iilang pari at civilian supporters lang ang kasama niya kabilang ang kulang na rin sa enerhiya na si dating VP Tito Guingona. Sayang si Trillanes. Sobrang hyper kaya namimingit ang career as a politician, not to mention the fact na wasak na ang kanyang bokasyon sa pagsusundalo.
Tama ang advocacy ni Trillanes laban sa tiwaling administrasyon pero maling-mali ang methodology niyang ginamit. Nag-aapura. Exuberance of youth? Mr. Trillanes, you’re a teener no more. At past thirty, a man becomes more analytical in all the moves he makes. Sa kaso mo, hindi.
Granting na nagtagumpay ang Magdalo group, talsik si Gloria at may iuupong iba. Siguro si Erap o si Guingona. Ano ang kasunod? May mga sisigaw na ang iniupo nilang leader ay illegitimate kaya hindi matatapos ang giyera sa pulitika. Kawing-kawing na rebelyon ang mangyayari para patalsikin ang sino mang leader na mailuluklok dahil sa rebelyon. Eh bakit hindi sila makapaghintay hanggang 2010 which is a little over two years from now?
Hindi kinagat ng taumbayan ang panawagan ng grupo ni Trillanes na patalsikin ang Pangulo dahil sa masaklap na karanasan ng bansa sa mga nakaraang people power revolutions. Imbes na umigi ang kalagayan ng bansa, lalong sumama.