^

PSN Opinyon

Hindi kaya fall guy ang nahuling pumigtas ng taynga sa Divisoria?

- Bening Batuigas -

UMUSOK ang ilong ni Manila Mayor Alfredo S. Lim nang mabalitaan ang pag-snatch sa hikaw ni Gng. Susan Pecson kung saan napingas ang dalawa niyang taynga.

Nagalit si Lim dahil mas inuna pang magrek­lamo ni Pecson sa mga mamamahayag sa MPD Press Corps kaysa mga pulis na ilang metro lamang ang layo sa pinangyarihan ng krimen, he-he-he! Dismayado kasi si Pecson sa kapabayaan ng mga pulis kaya sa mga mamamahayag muna siya nagtungo.

Agad na pinag-utos ni Lim kay Manila Police District Director Chief Supt. Roberto Rosales na magsagawa ng imbestigasyon at hanapin ang snatcher na pumingas sa taynga ni Pecson.

Talagang minamalas si Gng. Pecson dahil nang gabing mabiktima siya ng snatcher ay abala ang hepe ng China Town Police Station na si  Supt. Bernardo Diaz sa paglilipat ng kanyang  mga gamit sa bago niyang puwesto sa District Mobile Force (MDF) sa MPD Headquarters kaya marahil sinamantala iyon ng mga kawatan.

Ipinatawag naman ni General Rosales ang lahat ng kanyang mga Station Commander at pinulong. Sa pulong ay binigyan ng prayoridad ni Rosales ang paglatag ng mga kapulisan sa lahat ng sulok ng Maynila upang mahadlangan ang masamang balakin ng mga kriminal.

Nagkaroon ng down loading ng mga kapulisan sa headquarters, ito’y upang idagdag sa mga police station na kulang ang mga tauhan at upang ikalat din sa mga lansangan para magbigay ng proteksyon sa mamamayan.

Kumilos naman agad ang bagong talagang hepe ng China Town na si Supt. Nelson Yabut at agad na nalambat ang 13-anyos na snatcher na naglulungga sa Juan Luna, he-he-he! Simbilis pala ng kidlat si Yabut sa pag-aksyon. Ang masa­kit lang, hindi na sumipot si Pecson sa tanggapan ni Yabut kaya problema ngayon kung paano maisasampa ng police official ang asunto.

Tinatawagan kita Gng. Pecson na magtungo sa opisina ni Yabut para makalaboso na ang snatcher na bumiktima sa iyo. Hindi naman kaya fall guy ang nahuli nina Yabut at pinilit lamang paaminin, he-he-he. Siyempre para pumogi.

Paalala ko sa inyo mga suki na ibayong pag-iingat ang inyong gawin kapag magtutungo      kayo sa mga mataong lugar na gaya ng Divisoria. Araw-araw makapal ang mga taong namimili sa Divisoria at sa totoo lang, hindi sa lahat ng oras ay kaya kayong bantayan ng mga pulis.

Ayon kay Supt. Marcelino Pedrozo, 1 pulis sa bawat 1,500 tao ang ratio ng kapulisan sa May­nila. At 3,000 lamang ang kabuuang pulis ng MPD.

Ayon naman kay Rosales, bagamat kakaunti lamang ang pulis sa MPD, sisikapin nilang pag­lingkuran ang mamamayan sa araw at gabi. Ilalatag ni Rosales ang may 600 rookie policemen sa mga lugar na matao, araw at gabi. Kabi­lang sa mga lugar ikakalat ang mga bagong police ay  ang Divisoria, Quiapo. Unibersity Belt at Osmeña Highway. Ang Osmeña Highway ay isa sa mga kinatatakutang lugar na pinamumu­garan ng mga kawatan.

Ikakalat din ni Rosales ang Mamang Pulis Assistance Booths sa bawat sulok ng Kamay­nilaan para mapabilis ang pagresponde sa mga reklamo ng mamamayan. Pinaigting din naman ni Rosales ang pagsalakay sa mga pinagtatagu­an ng mga kriminal sa lungsod. Agad sinalakay ng mga tauhan ni Supt. Romulo Sapitula ang Golden Mosque sa Quiapo, Manila matapos na personal na hilingin sa mga Ulama na linisin ang kanilang balwarte.

Paalala ko muli mga suki, ibayong pag-iingat lamang at magsumbong agad sa mga pulis upang mapadali ang paghuli sa mga kriminal.

DIVISORIA

GNG

PECSON

PULIS

YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with