NAGIMBAL ang sambayanan nang pasabugin ng teroristang Abu Sayyaf ang mga sasakyang nakaparada sa South Wing ng House of Representatives sa Batasan Complex kahapon ng gabi. Isa sa mga namatay si Basilan Rep. Wahab Akbar. Pasakay umano ang kongresista sa kanyang sasakyan nang maganap ang pagsabog.
Sugatan din si Negros Oriental Rep. Henry Teves at Gabriela Party-List Rep. Luzviminda Ilagan. Sina wing palad naman si Maan Bustalino, staff ni Rep. Teves at Marcial Rualdo, driver-bodyguard ni Rep. Ilagan. Nasa 12 katao ang naiulat na nasugatan.
Mukhang matagal nang pinlano ng mga Abu Sayyaf na likidahin si Akbar at naisakatuparan nila ang kanilang hangarin. Nagmukhang tanga at inutil ang Philippine National Police sa pangyayari dahil sa Kongreso pa ipinakita ng Abu Sayyaf ang kanilang bangis, he-he-he!
Sampal kay President Gloria Macapagal-Arroyo ang pambobomba ng Abu Sayyaf matapos makitaan ng kahinaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP, habang patuloy ang sagupaan sa pinagku kutaan ng Sayyaf sa kabundukan ng Jolo ay nakalusot pa sa Metro Manila.
Nalusutan ang sandamukal na kapulisan ng Philippine Security Protection Office (PSPO) na nagbibigay ng proteksyon sa buong complex, he-he-he! Malinaw na nagkaroon ng security lapses matapos matagumpay na maisagawa ng Sayyaf ang patraidor na pagsalakay. Get n’yo mga Suki!
Hindi pa man nabubura sa isipan ng mamamayang Pilipino ang pagsabog ng Glorietta Mall 2 sa Makati City na kung saan 11 ang namatay at ikinasugat ng mahigit sa 100 katao. Habang nagtatalo ang Ayala Land Corporation at PNP ukol sa methane gas, muli na namang nagpakitang gilas ang mga Sayyaf.
Panahon na PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr, na alpasan mo ang iyong mga tauhan para magsagawa ng pagmamanman sa mga hinihinalang lungga ng mga terorista upang maputol na ang maitim na balakin ng mga ito sa seguridad ng bansa.
Hambalusin mo na ang inyong mga tauhan na nagpapabaya sa kanilang tungkulin bago mahuli ang lahat. Ikalat mo sa lahat ng sulok ng bansa ang iyong mga Bulldog upang umamoy sa mga kaaway na nagnanais na pabagsakin ang Arroyo administration.