^

PSN Opinyon

Pardon Me?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Pardon pa rin ang usapan sa mga coffee shop, dinner table, party at saan man may pagtitipon ng Pilipino. Maging dito sa HongKong, ang pagpatawad kay Erap at ang kanyang pagtanggap dito ay nabibilang na rin sa mga pinag-aawayan.

Karaniwang dinaramdam ng mga tutol dito ang sa kanila’y pag-abuso ni GMA sa isang prosesong pinaubaya ng Konstitusyon sa Hukuman. Tila hindi nila batid na sa parehong Konstitusyon ay kinilala ng bayan ang kapang­yarihan ng Pangulo na mag-gawad ng kapatawaran sa parusang hatol ng mga Korte. Hindi rin malampasan ng iba ang sa kanila’y special treatment naman na binigay kay ERAP: Paano naman daw ang mahirap — ang mga kinakatawan mismo ni ERAP - bakit sila kailangan bunuhin ang kaparusahan? Maaring bilanggo nga si ERAP ng anim na taon. Subalit bilang­gong buko daw ito dahil house arrest lang at ni hindi nasilayan ang Munti. Ang sagot diyan, gaya ng idnidiin ng mga kampo ni ERAP, ay kakaiba ang sitwasyon ng dating pangulo. Gaya ng nasabi ni  President Ford sa Amerika  nang pinatawad si President Nixon, napag­bayaran na raw nito ang wala pang katulad na kapa­rusahan na isuko ang pinakamataas na posisyong halal, ang pagkapangulo. Ilang tao ang makasasabing  naka­pagbigay ng ganyang sakripisyo?

Ang tunay na abuso sa pardon power ay ang makakita tayo ng mga kondisyon tulad ng “sapilitang pagtalikod sa pananampalataya” o di kaya’y hilingin sa nakakulong na magdonate ng kidney o iba pang bahagi ng katawan bago ito mapatawad. Hindi pagbaboy ang pagpata-wad sa kaaway ng naka­upo dahil, tulad ng mga amnestiya sa rebelde, ang pakay nito ay reconciliation at paghilom ng sugat ng lipunan.

Sa ibang mga bansa, ang kadalasang remedyo laban sa paniwala nilang pagbaboy sa pardon power ay ang impeachment ng pangulo. Kung hindi tala- ga matanggap ang ginawa ni GMA, ipaalam sa inyong Congressman nang maka­kilos ng nararapat sa da­rating na IMPEACHMENT proceedings sa Batasan.

vuukle comment

AMERIKA

BATASAN

ERAP

GAYA

KONSTITUSYON

PRESIDENT FORD

PRESIDENT NIXON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with