Palayain si Marilou Ranario

MAGKAIBA at magkalayo ang nais mangyari ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Migrante International sa kaso ni Marilou Ranario, ang OFW na nahatulan ng bitay sa Kuwait. Ayon sa DFA, susubukan daw nila na maibaba ang hatol mula bitay, gagawin na lamang na pagkabi­langgo habambuhay. Ayon sa Migrante, dapat daw na makalaya si Marilou at makauwi sa Pilipinas nang buhay.

Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na makauwi si Marilou ng buhay, katulad ni Sarah Balabagan na hindi lang nakauwi ng buhay, gumanda na rin ang buhay mag­mula ng nakauwi siya. Kung ang pag-iisip ko noon ay katulad ng pag-iisip ng DFA ngayon, nasa UAE pa rin si Sarah ngayon, nakakulong at nasayang na ang buhay.

This week, naging panauhin ko si Sarah sa aking radio program sa Veritas, kasabay si Connie Regalado na pinuno ng Migrante. Nagkaisa ang aming observation na tila yata napakahina at napakabagal ang pagkilos ng DFA sa kaso ni Marilou. Maliban pa riyan, halos walang naririnig sa DFA kung ano na ang nangyayari kay Marilou at sa kanyang kaso.

Napansin din namin na kung walang ginagawang pag-iingay ang media at ang Migrante tungkol sa mga kaso ng mga OFW sa abroad, halos wala ring sinasabi at inuulat ang DFA. Ipinakita ni Connie ang listahan ng mga naka­kulong at may kaso sa abroad, ngunit katulad sa kaso ni Marilou, walang regular report ang DFA kung papaano na sila.

Starting next week, magiging regular guest ko na si Connie sa Veritas. Dahil d’yan, maririnig na natin ang mga regular report tungkol sa mga problema ng mga OFW sa abroad, kahit wala tayong naririnig sa DFA. Kung   kayo ay OFW at may alam kayong information tungkol sa mga kaso ng OFW, iparating ninyo ito sa akin. Kahit walang report sa ibang media, maaari nating ireport ang balita sa Veritas. Thank God for Migrante. Papaano na kaya ang mga OFW na may kaso kung wala sila? Bahala na ang Diyos sa DFA.    

* * *

Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail iseneres@yahoo.com, text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club 1986 Taft Ave. Pasay.

Show comments