NADISMAYA ang Manileños nang hindi siputin ni people champ Manny “Pacman” Pacquiao ang magarbong pagsalubong na inihanda ng mga taga-Manila City Hall at mamamayang nagdasal sa kanya para maipanalo ang laban kay Antonio Barrera.
Labis ang kalungkutan ng Manileños matapos umi was si Pacman sa paradang inihanda sa kanya. Nakalimutan na yata ni Pacman na siya ay ampon ng pamahalaang lungsod ng Maynila, he-he-e! Ang hindi daw marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Utak pulitika na rin ang umiiral kay Pacman kung dismayado ang Manileños sa kanya. Dapat sana matutong lumingon si Pacman sa Manileños dahil sa may ilang beses na rin itong ipinaparada sa mga lansangan sa tuwing siya’y umuuwi sa bansa dala ang karangalan.
Nasanay na ang mga tao na makikita siya sa magarang float na iginagala sa halos lahat ng sulok ng Maynila. Ngunit ngayon tila nagbago na si Pacman dahil ang kanyang sinipot nang siya’y dumating ay ang kanyang itinuturing na ama na si dating Mayor Lito Atienza.
Hindi kuntento ang Manileños sa naging tugon ng business manager ni Pacquiao na si Eric Pineda, “Kindly inform the good Mayor Alfredo Lim that much as Manny would want to, there has been prior commitments made already. Maybe we can do it on his next fight. Thanks”. Aasa pa ba ang mamamayan ng Maynila, di na oy! He-he-he!
Umiba na ang hangin sa ulo ni Pacman kaya ang lahat ng nagmamahal sa kanya ay unti-unti nang lalayo sa kanya. Kaya marahil umiiwas si Pacman na makada upang palad si Lim ay dahil tinibag nito ang kanyang bantayog sa Bay walk kung saan makikita ang kanyang Knockout Bar, he-he-he! Pikon pala itong si Pacman kung ganoon, di ba mga suki?
Kaya naman pala tinibag ni Lim ang lahat ng mga establisimento sa naturang lugar ay sa dahilang di pagbabayad ng concessionaire’s fees na umaabot sa P7 million kabilang dito ang kay Pacman na may kabuuang P120,000.00. Malaking halaga pala ito kung mababayaran at tiyak mara ming proyektong mapapakinabangan ng Manileños.
Kung matapang si Pacman sa larangan ng Boxing natitiyak ko rin na mata-pang din si Lim sa pag- sugpo ng mga kriminal at korap sa pamahalaan.
Ito na kaya ang mitsa upang muling kubkubin ni Lim ang lahat ng mga katiwalian ng nagdaang administrasyon. Sige, Mayor Lim, halungkatin mo ang lahat ng mga proyekto ng nagdaang administrasyon at baka sakaling may makita kang magandang dahilan upang masampahan ng kaso.
Abangan!