^

PSN Opinyon

1% komisyon ni Nieves from the jueteng lords

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SAKSAKAN pala ng yaman si Nieves dahil lamang sa jueteng operations kasi pala siya ang gamit ng mga official ng foolish cop dyan sa Crame bilang over-all collector sa dayaan bolahan.

May P2.5 million a week ang engreso ni Nieves sa mga foolish cop sa Crame siyempre kasama rin siya sa partihan todits puwera pa ang partihan sa mga probinsiya na talamak ang jueteng.

Bukod sa engreso sa Crame, may 1 percent din si Nieves mula sa jueteng lords na binigyan niya ng basbas para makapag-operate sa mga probinsiya. Sabi nga, from Region 1 up to Region 5 including NCR!

Halos three years din ginamit si Nieves bilang over-all collector ng jueteng ng mga foolish cops kaya naman sandamukal ang pitsa nito.

Kaya naman nagpapakamatay ito sa kasisipsip dahil kung ang suweldo lang niya ang aasahan tiyak tapos ang maliligayang araw niya. Sabi nga, unexplained wealth!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Nieves pa rin ang gamit ngayon ng mga foolish cop sa Crame kahit na bago na ang amo nito.  Paging, PNP Director Avelino Razon, Sir!

Matagal nang kolektor si Nieves sa jueteng kaya putok ang pangalan nito hindi lang sa Crame kapag ang dayaan bolahan ang pag-uusapan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pa nagdedeklara ng panibagong tara si Nieves sa mga sugal lupa. Busy pa raw ito.  Naku, ha!

Hindi lang sa Crame putok ang pangalan ni Nieves kundi sa mga probinsiya mula Region 1 up to Region 5.

Takot ang mga jueteng lords kay Nieves dahil malakas ito sa langit kaya naman kahit sinong official ng foolish cops sa mga Region ay kayang-kaya niyang papalitan o pa-stay put!

Basta ang importante ay may grasyang natatanggap ang kanyang bagong bossing.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puwedeng sulutin si Nieves bilang over-all collector dahil siya na raw ang pinagkakatiwalaan ng kanyang bagong panginoon. Naku ha!

Alam kaya ng bagong panginoon nito na double bladed si Nieves bukod sa parte nito sa P2.5 million ay may 1 percent  pa siya sa jueteng lords. Sabi nga, mambubukol!

Ang hindi alam ng mga bugok na tulisan este mali foolish cops pala dyan sa kampo ay malakas mambukol si Nieves gaya ng kanyang asong si Noriega.

Super bagyo ang mga ito sa dati nilang panginoon kaya nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit siya pa rin ang napili bilang over-all  ng jueteng  operations sa Region 1 to 5 including NCR.

Maraming katulisan este mali foolish cops pala ang galit kay Nieves. Bakit? Mambubukol kasi!

Si Nieves ang tumatrabaho sa Chief Kuwago para patigilin ito sa pagbubulgar ng mga pinapatungan niyang sugalan. Sabi nga, nagbanta!

Dapat sigurong ipabusisi ni General Razon si Nieves para malaman niya kung sino talaga ito. Hindi pa siya worthy!

Sana alamin mo sa mga bata mo General Razon, Sir kung sino si Nieves at ang kanyang tutang si Noriega.

Sangdamukal na matitinong lespu ang nagagamit ni Nieves kasama ang aso nitong si Noriega na ngayon ay asar na asar sa  dalawa.

Si Boy bata, ang ginagamit na aso ni Nieves at Noriega para mangolekta sa jueteng lords sa ilang piling province. Mga lagapot just wait ang read!

Sa Region 1 - Ilocos Norte sa 7 district umaabot sa P2 million ang engreso everyday, sa Ilocos Sur - sa tatlong distrito P2.5 million, sa La Union pitong distrito ay P1.5 million. Si Bonito, ang kausap sa tatlong provinces. Sa Pangasinan, may anim na distrito ang jueteng operation take note, P8 million ang engreso todits araw-araw. Sabi nga, grabe ang Pangasinan!

Sina Boy bata at Mijora ang kausap todits ng mga kamoteng official ng lespu at bugok na taga-local government unit.

 Sa Cordillera Autonomous Region - Baguio, Abra, Benguet at La Trinidad P3 million ang engreso medyo nagkakagulo todits dahil bumitaw ang bangka nina Raffy at Allan pero si Marasigan ang kausap.

Ika nga, wait and see ang mga kuwago ng ORA MISMO!

Sa Region 2 - Aparri P200 thousand,  Tuguegarao P500 thousand si Garcia, bata ni Dansor ang nakikipagusap sa mga kamote todits regarding sa intelihensiya para huwag bulabugin. sa Isabela P4 million kada araw kaya naman tiba-tiba rito si Tony Ong, druglord ang kapitalista at Nora de Leon si Boy bata rin ang kausap. Sa  Nueva Viscaya P1.5 million ang engreso, si Tony Ong pa rin ang bangka at Nora de Leon si Boy bata pa rin ang kausap sa intelihensiya  at sa Quirino P400 thousand ang engreso si Boy bata, ang katiwala ulit. Paging General Amateo Tolentino.

Ano kaya ang masasabi ng mga paring Katoliko sa dayaan bolahan sa jurisdiction ni Tolentino?

Sa Region 3 - Zambales P1.5 million ang engreso si Peping kamote ang bangka. Tuloy - tuloy pa rin ang jueteng operation dito kahit na nagpa – “praise release” si Zambales Governor Amor Doloso na patitigil niya ang dayaan bolahan sa kanyang territory.

 Natigil ba Governor ang jueteng sa probinsiya mo?

Sa Bataan P1.7 million ang engreso siyempre si Bong ng Lubao ang bangka todits. Sa Pampanga P12 million ang engreso a day naku Governor Among ano ba ang nangyari dyan si Bong ng Lubao pa rin ang bangka akala ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumigil ang jueteng operation dyan.

May magagawa kaya dito si PNP Chief Sonny Razon ?” tanong ng kuwagong mananaho.

“Siyempre,” sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘’Manatili kayang over-all collector si Nieves sa foolish cops?” tanong ng kuwagong Kotong cop.   

“Kamote, sisilipin natin sila.”

CRAME

NIEVES

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with