^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mag-ingat sa defective Christmas lights

-

PITUMPU’T TATLONG araw na lamang at Pasko na. Hindi na magtatagal at magkakabit na naman ng Christmas lights sa kanilang mga bahay ang maraming Pinoy. Nakaugalian na ito ng mga Pilipino. Hindi kumpleto ang Pasko kapag walang kumukuti-kutitap o nagpapatay-sinding mga ilaw. Hindi lamang sa mga bahay, opisina, simbahan naglalagay ng mga Christmas lights kundi pati na rin sa mga punong­kahoy at mga poste ng kuryente. Mabiling-mabili ang mga Christmas lights dito sa Pilipinas. Kahit na mag­taas ng presyo ay bibili pa rin ang mga Pinoy may maidispley lamang sa pagsapit ng kapaskuhan.

Ang tanong ay kung ang mabibili ba nilang Christmas lights ay dumaan sa quality control. Mahusay ba ang mga ito? Dumaan ba sa inspection ng mga awtoridad sa Department of Trade Industry? Kung hindi, delikado ang mga ito. Maaaring ang mga Christmas lights na ito ang maging dahilan ng sunog na tutupok sa mga ari-arian. At ang masaklap pa ay kung may mamamatay.

Papalapit na ang Christmas season kaya ngayon pa lamang ay abalang-abala na ang mga manufacturer ng Christmas lights at iba pang pailaw para sa Pasko. Pababahain na naman ang mga Christmas lights sa bangketa na karaniwang makikita sa Carriedo, Divisoria, Raon, Avenida sa Maynila; Cubao sa Quezon City; Baclaran sa Parañaque at sa marami pang lugar. Hindi lamang ang mga local manufactured Christmas lights ang dumadagsa kundi pati na rin ang mga galing sa China.

Ang mga Christmas lights na ito na hindi du-  maan sa quality control ang karaniwang nagiging dahilan ng sunog. Sabi ng DTI nararapat na ang mga bibilhing Christmas lights ay may Philippine Standard (PS) at Import Commodity Clearance (ICC) markings. Kung walang markings ang mga Christmas lights na mabibili, tiyak na substandard ang mga ito at magiging dahilan ng sunog. Mas madaling masunog ang mga wire ng mga substandard Christmas lights.

Ang anak na babae ni House Speaker Jose de Venecia ay namatay sa isang sunog na ang pinag­mulan ay mga substandard Christmas lights. Marami pang naging biktima ng sunog na ang tinuturong dahilan ay ang Christmas lights. Hindi na dapat maulit ang mga ganitong malagim na kamatayan.

CHRISTMAS

DEPARTMENT OF TRADE INDUSTRY

HOUSE SPEAKER JOSE

IMPORT COMMODITY CLEARANCE

LIGHTS

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with