Colic

ANG colic ay hindi la­mang sa mga sanggol umaatake kundi ma­ging sa mga adult. Ito yung pananakit at pa­ninigas ng tiyan. Kaya nga may tinatawag na infantile colic.

Mahirap magkaroon ng colic ang mga sang­gol sapagkat hindi mo alam kung ano ang kanilang narararam­daman. Kadalasang ang mga sanggol may edad na dalawang ling­go ang nakararanas magka-colic.

Ang mga sanggol ay karaniwang nagkaka-colic sa gabi kaya ma­pa­pansin na masya­dong malakas ang ka­nilang pag-iyak.

Sa adult, ang pagka­karoon ng colic ay  dahil sa mga hindi natunaw na pagkain na nagiging dahilan ng contraction ng intestinal muscles.

Ang mga sanggol  ay nagkaka-colic dahil sa maling paraan ng pagpapasuso. Nagka­ karoon ng ha­ngin sa ka­nilang pag­papadede  lalo pa nga ang bottle feeding. Ka­ilangan na i-winded ang sanggol habang pina­dedede at iwasang masyadong marami siyang nasusu­song gatas. Tumitigil ang colic ng sanggol kapag apat na buwan na siya.

Sa mga adult na nag­­kaka-colic, ang pi­na­kasimpleng paraan na gagawin ay ang pag­pili ng comfortable position hanggang sa   ma-relieve ang sakit at mawala ang sintomas. Hindi naman gaanong serious ang colic.

Show comments