^

PSN Opinyon

‘Nakuryente’ si Sen. Pimentel

- Bening Batuigas -

ABOT-LANGIT talaga ang galit nitong si Sen. Nene Pimentel sa gob­ yerno ni President Arroyo at ginagawa niya ang lahat para mapabaho ang imahe ng huli sa samba­ya­nang Pilipino. Kasi nga nitong mga nagdaang araw, ikinakalat ni Pimen­tel na si GMA nga at si dating ISAFP chief retired Navy Admiral Tirso Da­nga ay nagkita sa Asian hospital sa Muntinlupa City noong Setyembre 30. Sa ikinakalat na balita ni Pimentel, hinikayat umano ni GMA si Danga na huwag magtestigo sa panibagong ‘Hello Garci’ probe ng Senado ukol sa malawakang pandaraya ng kampo ng una noong 2004 elections. Inamin naman ni Pimentel na hin­ di niya personal na na­sak­sihan ang pag-uusap nina GMA at Danga. May iti­nuturo siya na source niya. Subalit paano naman magkatotoo ang pinag-sasabi ni Pimentel eh hindi naman nangyari ang na­ turang pagkikita nina GMA at Danga? He-he-he! Guni-guni lang kaya ni Pimentel ang mga ibi­nu­bulgar niya? Ano sa tingin n’yo mga suki?

Kung sabagay, alam naman natin mga suki na may pagkakamuhi si Pi­mentel kay GMA bunga ng pagkatalo ng anak niya at namesake na si Aquilino ‘‘Koko’’ Pimentel noong na­kara­ang May elections. Muk­hang malaki ang naba­­was sa kaban ng pamilya kaya’t hindi mapatawad ng matan­dang Pimentel itong si GMA nga. Mali­wa­nag kasi na kaya nan­doon si GMA sa Asian Hospital ng ban­dang alas-8 ng gabi ay para magpa-check-up at hindi para makipag­kita  kay Danga. Inabot ng dala­wang oras ang check-up ni GMA, anang kau­sap ko. Pero may halong pang-iinis na sinabi ni Pimen­ tel na siya rin ay pupunta sa Asian Hospital para kum­­binsi­hin si Danga na ma­ging testigo nga sa ‘‘Hello Garci 2’’ probe ng Senado. He-he-he! Muk­ hang me tama na itong si Sen. Pimentel ah!

Abot n’yo naman mga suki na itong Hello Garci at ZTE probe ay may ma­lalim na dahilan— ang pag­pa­painit ng kapwa natin mga Pinoy para umalsa na naman sa gobyerno ni GMA. Pero nakalimutan ’ata ni Pimentel at mga ka­­alyado niya ang history  nila. Sa ngayon kasi hitik ang ekonomiya natin taliwas noong EDSA 1 at 2 na sadsad talaga ang ekonomiya natin kaya’t umalsa ang taumbayan. Tingnan n’yo mga suki, ito bang Hello Garci 2 at ZTE probe ba eh pina­pan­­sin ng sambayanang Pili­pino? Noong kasagsa­-gan ng EDSA 1 at 2, kahit saang sulok ka man ng bansa ang pinag-uusa­pan ay ang bagsak na estado ng gobyerno. Sa ngayon ba, pinag-uusa­pan sa mga kanto itong ZTE at Hello Garcia 2 probe? Di ba hindi! Kasi ang mga Pinoy sa ngayon ay abala sa pag-iisip at pag-aaply ng mapapasukang tra­baho para suportahan ang kani-kanilang pamil­ya. Ayaw na nila ng kilos protesta kung saan hindi naman ang mga tulad ni Pimentel at kaalyado niya sa Oposition ang nasusu­gatan kundi silang mga mahihirap nga.

Abangan!

ASIAN HOSPITAL

DANGA

GMA

HELLO GARCI

HELLO GARCIA

PIMENTEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with