^

PSN Opinyon

Mukhaan sa BITAG ang Pil-Am suspect sa likod ng Calumpit Sex Scandal!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NANGGIGIGIL sa galit ang mga residente ng Calumpit Bulacan at mga estudyante ng Bulacan States University matapos nilang mapanood sa BITAG nitong Sabado ang Calumpit Sex Scandal.

Galit sila sa kababuyang ginawa ng suspek na si Enrique “Rico” Primicias, ang Pil-Am boyfriend ng bikti­mang si Tintin na nasa likod ng Internet Blackmail.

Si Rico ang pasimuno ng pagkalat ng kontrobersiyal na sex video kung saan ipinost ito mula sa friendster at sa isang international porn site hanggang sa mapanood ito sa buong bayan ng Calumpit.

Awa at simpatiya ang naramdaman ng mga ka-baryo, kaklase at kaibigan sa sinapit na sobrang kahihiyan ng dalagang naging biktima ng Internet Blackmail.

Maging sa You Tube, kung saan mapapanood ang BITAG sa pamamagitan ng internet, marami ang nag-react at nagalit na mga Fil-Am na nakabase pa sa Amerika at nakapanood ng aming segment.

Hinihiling ng mga ito na ipakita ang mukha ng suspek at itimbre ito sa mga alagad ng batas sa Estados Unidos dahil hindi daw ito sasantuhin sa kababuyang kanyang ginawa.

Nais pa nga ng mga nakapanood sa You Tube na isama sa listahan ng America’s Most Wanted ang suspek na si Rico.

Ang siste, matapos maipalabas ng BITAG sa IBC 13 at sa You Tube ang Calumpit Sex Scandal, nakaabot ito kay Rico.

Ang ginawa ng kolokoy, sa sobrang takot ay binura nito sa internet partikular na sa Friendster ang Sex video na kanyang ibinibida noon.

Subalit  wala pa rin siyang kawala dahil bago pa man namin maipalabas ang segment, nagawa ng i-download ng National Bureau of Investigation-Violence Against Women and Children Division (NBI-VAWCD) ang nasabing video.

Panoorin ngayong Sa­ bado ang pagkumpronta ng BITAG kay Rico sa pamamagitan ng telepono na ikinagulat at ikinaumid ng dila ng suspek. Ipapaki­ta na rin namin sa tele­bisyon ang kanyang pag­mu­mukha.

Nawala ang kanyang pagiging Amerikano, na­ ba­hag ang buntot. Maging ang mga tawag sa kan­yang cellphone at bahay  sa Estados Unidos hindi  na nito sinasagot.

Kasalukuyan ng ku­mi­ki­los ang NBI-VAWCD at NBI-International Police para sa nalalapit na pag­kahulog sa BITAG    ng sus­pek na si Rico Primicias.

Kahit pa wala siya     dito sa Pilipinas, hindi ito makakalusot sa pagka-  ka­salang kanyang gi-nawa. Abangan!

vuukle comment

CALUMPIT SEX SCANDAL

ESTADOS UNIDOS

RICO

SHY

YOU TUBE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with