^

PSN Opinyon

Bulacan scandal, bagong Internet blackmail!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGBIBIGAY babala ang kolum na ito sa lahat ng mga kababaihan. Dumadami na ang lumalantad na biktima ng Internet blackmail.

Ngayong Setyembre ay katatapos lamang ng BITAG sa kaso ni Jhen, isang kolehiyala sa university belt kung saan ipinakalat ng kanyang ex-boyfriend ang kanyang shower video sa Internet.

At hindi pa natatapos ang buwan na ito, isa na namang kolehiyala buhat sa Bulacan ang lumapit sa BITAG.

Katulad ni Coleen ng Baras scandal, Lanie ng Friend­ster at Jhen ng U-Belt, biktima na rin siya ng mapanirang Internet blackmail.

Ipinost ng kanyang Pil-Am na boyfriend ang kanilang sex video sa isang international porno site kung saan      ultimo elementary student, kayang i-access ang nasabing video.

Ang masahol pa rito, mabilis na kumalat ang sex video sa kanyang mga kaklase at schoolmates sa isang uniber­sidad sa Bulacan, kapitbahay, kakilala at mga kamag-anak.

Kaya’t ang siste, nagtatago ang dalaga dito sa Maynila dahil sa sobrang kahihiyan at pambababoy sa kanyang pagkatao na ginawa ng kanyang boyfriend mismo.

Dahil kasalukuyang nasa states ang kanyang bf, ikinagagalit daw nito ang hindi pagsagot kaagad ng dalaga sa kaniyang mga tawag at text messages.

Sa paniniwalang ayaw na sa Pil-Am ng dalaga, bilang pagprotesta, ipinost at ipinakalat nito sa internet ang edi­ ted na nilang sex video.

Edited dahil mukha lamang ng biktima ang ipinakita sa sex video, iniligtas ng kolokoy ang sarili sa kahihiyang kanyang ginawa at hinayaang malugmok sa kahihiyan at kasiraan ang kanyang girlfriend.

Nakalulungkot isipin na sa panahon ngayon ng modernong teknolohiya, nagagamit ang progresong ito para makasira, makapahiya at makatanggal ng pagkatao.

Isang masaklap na katotohanan ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng Internet blackmail dahil wala pang kaukulang batas na naitatatag para dito.

Maging panawagan nawa ang kolum na ito sa mga mambabatas at kaukulang ahensiya ng gobyerno  upang mabigyan na ng proteksiyon ang mga kababa­ihang sunod-sunod ng nabibiktima ng kasong ito.

Abangan ngayong Sabado sa BITAG ang bagong kaso ng Internet Blackmail kung saan kasama ng aming grupo sa pagkakataong ito ang mga alagad ng batas sa paghawak ng maselang kaso na ito.

Panoorin ang mga hakbang at patibong na aming inihanda kasama na ng mga operatiba kung papaano nahulog sa BITAG ang fil-Am na suspect.

BULACAN

INTERNET BLACKMAIL

JHEN

KANYANG

NGAYONG SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with