^

PSN Opinyon

Deliver us to evil

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ZTE Broadband Deal. DepEd Cyber Education Project. Unti-unti nang nakikiangkas ang pamahalaan ng Pilipinas sa bumubulusok na barko ng teknolohiya. Sayang nga lang at hindi nailagan ang kontrobersiya. Ngayon at nasisinagan ng liwanag ang mga transaksyon, sana’y matuloy din ang mga ito sa mas maayos na paraan.

Telecommunications at satellite technology na kaugnay ng INTERNET. Para mapabilis ang komunikasyon sa gob­ yerno (broadband) at para palawakin ang curriculum (CyberEd). Dalawa na naman sa milyong halimbawa kung paano napadali ng INTERNET ang ating buhay. Inihambing sa pagtuklas ng apoy at sa imbensyon ng gulong, ang INTERNET, tulad ng lahat ng kapaki-pakinabang na pro­dukto, ay mayroon din masamang gamit.

Pinaalala ni Senate President Manny Villar kamakailan ang isang salot na dulot ng INTERNET – ang pag-usbong ng ilegal at imoral na praktis ng “MAIL-ORDER BRIDES”. Abot kalahating milyong Pilipina kada taon ang nabibiktima, ang iba sa halagang $5 lamang. At ang mayorya nito ay sa prostitusyon ang bagsak. Nakakalusot ang mga sindikatong gumagawa nito dahil ang mga catalogue o brochure na ginagamit upang mang-akit sa mga dayuhan ay malaya nilang nailalagay sa INTERNET.

Mula pa noong 1990 ay mayroon nang batas laban sa Mail-order bride business na akda ni Senate President Ernesto M. Maceda. Nagalit si Senate President Villar nang malaman na hindi pinapatupad ng mabuti ang batas. Malapit-lapit na ring mag-hearing sa Senado upang muling tuunan ng pansin ang problema. Ayon kay Catanduanes Congressman Joseph Santiago, kulang ang mga hakbangin ng IACAT (Inter-agency Council against Trafficking). Dapat daw ay hikayatin nito ang mga lehitimong online matchmakers na ipulis ang kanilang ranggo – at siguruhing lahat ng impormasyon laban sa “illegal trafficking in persons” na dapat nalalaman ng gu­magamit ng kanilang site ay mababasa.

Ang susi sa pagsolus­yon sa problema ay edu­ kasyon pa rin at im­pormas­yon. Kung ang mga pobre nating kababayan  ay ma­wawarningan sa tuwing pu­puntahan ang INTER­NET sites, tiyak ma­babawasan ang mabi­biktima. Sala-  mat sa pag­kilos ni Senate President Villar at Congressman Santiago at hin­di nawa­wala sa ating ka­malayan ang masaklap na kato­tohanang ito. 

BROADBAND DEAL

CATANDUANES CONGRESSMAN JOSEPH SANTIAGO

CONGRESSMAN SANTIAGO

CYBER EDUCATION PROJECT

SENATE PRESIDENT ERNESTO M

SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

SENATE PRESIDENT VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with