MAGSISIMULA na ang aking bagong radio program sa Setyembre 3 at inaanyahan ko kayo lahat na makinig mula Lunes hanggang Biyernes, alas-5 hanggang alas-6 ng gabi sa Radio Veritas 846 khz. Para sa mga nasa abroad at nasa mga probinsiya, maririnig nyo rin kami sa internet, sa www.veritas846.ph.
Ang programang “Kol Ka Lang” ay tungkol sa karapatan at kabuhayan. Kasama ko sa programa ang aking bunsong kapatid na si Ike Seneres, isang dating Consul at Director General ng National Computer Center (NCC). Ako ang tatalakay tungkol sa karapatan, si Ike naman ang tatalakay tungkol sa kabuhayan. Si Ike ay dating host ng “Mr. Kabuhayan” sa DZAR, at ng “Gulong ng Kabuhayan” sa DZXL.
Kasama sa talakayan tungkol sa karapatan ang legal rights, human rights, assistance to nationals at welfare cases dito sa Pilipinas at sa abroad. Kasama sa talakayan tungkol sa kabuhayan ang trabaho, negosyo, scholarships at lahat ng usapin tungkol sa pamumuhay.
Kung kayo ay may problema sa inyong karapatan at kabuhayan, isang tawag lang ang aming radio program kaya ito tinawag na “Kol Ka Lang”. Kung may problema ka, who are you gonna call? Ang mga bro! Yan ang sigaw ng aming radio jingle, na kasing tunog ng “Ghostbusters”.
Ang “Kol Ka Lang” ay isang public service ng Caritas sa Veritas, kaya sasadyain namin na magdudulot din kami ng mga kaalaman na naaayon sa mga tinuturo ng simbahan tungkol sa karapatan at kabuhayan, batay sa Bibliya at mga doktrina.
Sa tulong ng Next Mobile, maari na ring tumawag nang libre ang aming mga listeners mula sa 25 countries. Sinisikap namin na maging libre na rin ang mga tawag galing sa probinsiya. Of course, kasama lagi sa usapan ang aking pizza machine na malapit nang lumabas, dahil hinihintay ko na lang ang rehistro galing sa Patent Office.
Text kayo sa 09196466323 tungkol sa pizza.
* * *
Makinig sa “USAPANG OFW” sa DZRH tuwing Linggo 10 to 11 a.m. E-mail royseneres@yahoo.com, text 09187903513, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club 1986 Taft Ave. Pasay