^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Umalerto sa ganti ng teroristang Sayyaf

-

GAGANTI ang mga teroristang Abu Sayyaf sa mamamayang walang kalaban-laban. Ang mamamayan ang tanging kayang gantihan ng terorista at wala nang iba. Maski si President Arroyo ay nagbabala kamakalawa na dapat maging handa ang mamamayan sa pagganti ng Sayyaf. Maging alerto sa lahat ng oras sapagkat ang nang­yayaring labanan sa Mindanao ay maaaring maka­rating sa maraming bahagi ng bansa. Ganoon man, patuloy pa rin ang opensiba ng military hangga’t hindi napupulbos ang mga terorista sa Basilan at Sulu. Patuloy pa rin ang pagdurog kahit na marami nang nalagas sa mga sundalo at may helicopter nang bumagsak. Wala nang atrasan at wala nang pagpigil para matapos na ang kasamaan ng mga teroristang Sayyaf na nagbigay ng batik sa Pilipinas.

Ang pagiging alerto ng mamamayan ang tanging makapipigil sa pagganti ng Sayyaf.

Ilang oras makaraang magbabala si Mrs. Arroyo sa mamamayan na doblehin ang pag-iingat sa ganti ng Sayyaf, isang improvised na bomba ang suma­bog sa isang plaza sa Zamboanga City. Inilagay ang bomba sa ilalim ng konkretong upuan sa Plaza Pershing at  sumabog dakong 7:45 ng gabi noong Martes. Labindalawang tao na namamasyal sa plaza ang nasugatan. Pawang sa katawan ng mga tao tumama ang shrapnel ng pampasabog. Sa lakas ng pagsabog ay nabasag ang mga salamin ng katapat na department stores.

Wala pang umaako sa pambobomba pero malaki ang hinala ng pulisya at maging ng mga local officials sa Zamboanga na kagagawan na naman ng mga terorista — particular ang Sayyaf ang pang­yayari. Ang mga teroristang Sayyaf lamang umano ang maaaring makagawa ng ganito kasama at karumal-dumal na gawain. Walang pakialam sa kanilang kapwa ang mga teroristang Sayyaf.

Ang pagpatay sa pamamagitan ng pambobomba ay karaniwan na lamang sa Sayyaf. Ang Sayyaf ang nambomba sa ferry boat habang naglalayag sa Manila Bay. Marami ang namatay sapagkat nasunog ang ferry. Ang Sayyaf ang nagtanim ng bomba sa isang pampasaherong bus noong 2005 na ikinamatay ng apat na katao.

Marami pang pagpatay silang ginawa at nga­yon ay gumagawa na naman. Nagtatanim na ng bomba sa kung saan-saan. Isa lamang ang maaaring ipanlaban sa kanila — ang pagiging alerto sa lahat ng oras. Ireport sa pulisya ang mga may kahina-hinalang kilos.

ABU SAYYAF

ANG SAYYAF

MANILA BAY

MARAMI

MRS. ARROYO

PLAZA PERSHING

PRESIDENT ARROYO

SAYYAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with