Richard Gordon for President?
TALAGA naman. This early, marami nang pulitiko ang nagpapahayag ng intensyong tumakbo sa Presidential polls sa 2010. Bukod kina Senate President Manny Villar at Sen. Mar Roxas na sinasabing potential presidential “troso”, “nagladlad” na rin si Sen. Richard Gordon ng interes lumahok sa karera sa pagka-pangulo.
“Sinungaling ako kung hindi ko aaminin na wala sa isip ko ang presidency” ani Gordon sa isang radio interview sa DZBB. Asar na raw si “Big Dick” sa girian ng partido Nacionalista at Liberal na kinabibilangan nina Roxas at Villar respectively. Sabi ni Gordon, sinanay na niya ang kanyang mga mata na nakatuon sa 2010 para palitan si Presidente Gloria Arroyo.
... to prove that he truly deserves to lead the nation, bubuo raw si Gordon ng bagong partido political na ang tanging interes na isusulong ay ang “ikabubuti” ng bawat Pinoy. Hay, ewan! Lahat naman ng binubuong partido ay ganyan ang claim eh. Pero habang dumarami ang mga partido, lalung lumulubha ang political war. Imbes na dalawang paksyon lang ang nag-aaway, labu-labo is the name of the game!
Kung puwede sigurong bumoto ang mga maliliit na bata, tiyak pipiliin si Gordon. Kasi, baka umulan ng snow sa Pinas kung siya ang Pangulo. Baka matuwa rin si Atty. Elly Velez Pamatong na masugid na advocate ng Philippine statehood. Joke lang. Cencia na kayo at ang taong aburido, pinatatawa ang sarili. Ha...ha...ha..
- Latest
- Trending



















