^

PSN Opinyon

‘Warrant para sa 16 na katao sa murder’

- Tony Calvento -

MATAGAL NA rin ako sa larangan ng pagtulong sa ating kapwa sa crime beat. Ngayon ko pa lamang maibabalita ang kakaibang pang­yayari kung saan 16 na mga suspects ang nalabasan ng warrants-of arrest para sa kasong pagpatay sa isang tao sa iisang insidente lamang.

Kung aking natatandaan minsan nung mga nakaraang taon ay 8 suspects ang nasampahan sa isang insidente ng pagpatay ng isang fraternity member sa Metro Manila ang natulungan natin. Ibang klase itong balita namin sa inyo.

Inilapit sa atin dito sa “CALVENTO FILES” at sa programa natin sa radyo na “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ni Remilyn Lumabao ng Nueva Ecija.

Nagsimula ang kaguluhan dahil sa lupa na sinasaka ng mga Lumabao. Ayon kay Remilyn, hindi matanggap ng kanilang kalaban na ipinamana sa kanilang  ina na si Virginia ang lupang kanilang sinasaka ng kanyang asawa na si Pacifico Labagnoy ng ito’y pumanaw.

Si Candido Labagnoy, kapatid ng unang asawa ni Virginia ang naging mahigpit nilang kaaway. Matapos mamatay si Pacifico na walang naging anak kay Virgina, nag-asawang muli ito sa isang nag­ngangalang Renato Lumabao na dating naging tagapamahala nila sa lupa. Nakadagdag ito sa galit ng mga partido ni Pacifico.

Tatlo ang naging kanilang anak. Matagal na raw gustong kunin sa kanila ang lupain ayon kay Remilyn, ang pinakamatandang anak nila Virginia.

Ika-3 ng Nobyembre 2005 bandang alas-7 ng umaga nang magtungo ang biktimang si Renato sa kanilang bukid kasama ang mga anak na sina Remilyn, Ruzzel at Ryan pati ang mga kaibigan ng mga ito. Gagapas na ng palay ang mga Lumabao noong panahon na ‘yon. Makalipas ang isang oras ay sumunod naman si Virginia sakay ng isang tricycle na minamaneho ni Daniel Antonio.

Sinabihan ni Renato ang asawa nito na pumunta ng munisipyo upang humingi ng police assistance habang ginagapas nila ang inaning palay sa pangambang guluhin sila ng pamilya ni Candido Labagnoy at Romulo Villanueva. 

Nakiusap si Virginia sa kanilang mayor, si Nestor Alvarez na tulu­ngan sa hepe ng Muñoz City Police Station at sinabihan naman ito na dumiretso na lang sa himpilan. Nakausap naman nito si Deputy Avila at sinabing wala ang kanilang hepe. Bandang alas-11 ng umaga, nagha­handa na ang mga Lumabao pati ang mga gumagapas para sa kanilang tanghalian. Kausap noon nina Ruzzel at Remilyn kasama ang kanilang tiyahan na si Eva Follosco si Ramon Bustos habang ang mga grupo nina Leo Labagnoy ay paparating, armado ng mga baril.

Sumugod ang mga ito sa kubo kung saan naroroon ang mga anak at kasama ng biktimang si Renato. Habang papalapit ang mga ito sa kubo ay sumisigaw daw itong si Romulo at pilit na pinapalabas sa kubo ang mga Lumabao.

Nagbanta pa itong si Romulo na kapag hindi sila nagsilabasan sa kubo ay pagbababarilin niya ang mga ito. Nang makita naman ng isa pa sa mga suspek, si Leo Labagnoy si Renato ay agad naman nitong nilapitan. Itinutok ni Leo ang dalang baril sa biktima at pagkatapos ay walang sabi-sabi nitong binaril.

Kitang-kita naman ni Ryan ang pagkakabaril sa kanyang ama. Susubukan sana nitong tulungan ang ama nang bumagsak na ito sa lupa subalit mabilis ding itinutok ni Leo ang kanyang baril kay Ryan.

Sa tindi ng takot ang mga taong nakapaligid sa kubo ay walang magawa kundi maging sunud-sunuran sa kagustuhan ng grupo ng mga suspek. Inutusan silang dumapa at kung sinuman ang tumayo ay tiyak na masasaktan. Pinagbantaan din sila nitong si Rommel Villanueva at sinabihang mag-iingat sila.

Muling bumalik si Leo sa kubo ng biktima. Siniguro muna nitong patay na si Renato bago tuluyang lisanin ang lugar na pinangyarihan ng krimen. Mabilis namang tumakbo ang grupo ng mga suspek pabalik sa kubo ni Romulo at pagkatapos ay nagsitakas na ang mga ito sakay ng tatlong owner-type jeep.

Dinala naman agad sa San Jose City General Hospital si Renato subalit hindi na ito nakaabot pang buhay. Agad din namang inireport ng pamilya ni Renato ang nangyaring krimen. Nagsampa sila ng kaso laban kina Leo, Mark, Neil at Andy Floyd Labagnoy pati sina Rommel at Andy Villanueva.

Inilapit sa amin ni Remilyn ang kaso ng kanyang ama na isang taon na ang inabot sa tanggapan ni Prosecutor Dionisio Leda Jr. ng Cabanatuan Prosecution Office subalit wala pa rin silang nakikitang linaw sa kaso. Hindi pa rin lumalabas ang resolution at ito ang nagtulak sa kanila na ilapit sa aming tanggapan at programang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” sa pangunguna ni Department of Justice Secretary Raul M. Gonzalez. Makalipas ang mahigit isang taon na paghahawak ni Prosecutor Leda ay binitiwan niya ang kaso dahilan para muling matagalan ang kasong ito.

Matiyaga pa ring naghintay ang pamilya Lumabao sa paglabas ng resolution sa kasong isinampa nila laban sa mga suspek na respon­sable sa pagkakapaslang kay Renato. Noong nakaraang buwan luma­bas ang resolution at pumabor ito sa mga Lumabao. Labing-anim na suspek ang nasampahan ng kasong MURDER at NO BAIL RECOMMENDED ito. Labis nilang ikinatuwa ang bagay na ito.

Lumabas ang warrant of arrest laban sa mga suspek. Naging mabilis naman ang kilos ng ating kapulisan sa Muñoz, Nueva Ecija at nadakip ang  dalawa pangunahing suspek sa kasong ito. Nahuli ng mga pulis sina Candido Labagnoy at Romulo Villanueva at sila ngayon ay nakakulong sa Nueva Ecija. Ang iba namang suspects ay mabilis na nagsitago subalit patuloy ang police operations para mahuli sila upang panagutan ang pagpatay kay Renato.

Maraming dapat pasalamatan. Subalit dapat lamang na ibalik  natin ang papuri sa ating Panginoon.   

Minsan pa ipinakikita na hustisya ay hindi lamang para sa mayaman o makapangyarihan kundi ang hustisya ay para sa lahat!

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Ma­a­ari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tang­gapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

E-mail address: [email protected]

KANILANG

LUMABAO

REMILYN

RENATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with