Bagong bayani, Bagong Alipin

Pilipino. Dala ng pangako ng karangyaan at marangal na trabaho ay magsasanla ng kabuhayan upang ma­ ka­pangi­bang bansa. Pagdating doo’y sasalubong ang masakit na katotohanan: Pagtatrabaho ng walang sahod at labag sa kalooban.

Halos araw-araw ay binubulaga tayo ng malulungkot na kuwentong ito. Kadalasa’y pobreng kababaihan ang bumabagsak sa patibong ng mga halang ang kaluluwang recruiter o employer. Imbes na maging teacher o nurse, nagiging sex slave. Yung iba, buhay mismo ang kapalit ng kanilang paghangad na pagandahin ito.

Kamakailan ay naulit muli ang ganitong eksena — sa isang Committee hearing ng U.S. Congress, nalaman na may 51 na Pilipino na ipinuslit sa Iraq upang magtrabaho sa tinatayong U.S. Embassy sa Baghdad.

Pinangakuan ng trabaho sa marangyang lungsod ng Dubai. Nung nasa ere na ang eroplano, sinabing sa Iraq tutuloy. Yung mga nagreklamo’y tinutukan ng machine   gun. Sa Iraq madaling nailusot sa mahigpit na security procedures ng US security forces. Nangyari ito isang taon nang nakalipas at ngayon ay nakatayo na ang emba­hadang bantayog ng hirap at pasakit nila.

Aminado ang DFA na kahit may travel ban, kulang-kulang 10,000 manggagawang Pilipino ang nasa Iraq. Ito ang tanong: Sa tagal na ng panahon na nailulusot ang ganitong illegal na gawain, bakit hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng solusyon ng ating mga experto sa gobyerno ang pagsupil dito? Sari saring karangalan ang iginagawad sa tatag at sakripisyo ng mga OFW na tumu­tulong sa ekonomiya ngunit nananaig pa rin ang kaku­langan ng pagsisigasig ng pamahalaan na ibsan ang paghihirap na tina­ tamo nila sa kamay ng mga mapagsaman­talang tao. Palatan­da­an la­mang ito ng ma­ba­bang pagpa­­pa­ha­laga ng ating pa­ma­halaan sa galing, abi­lidad at buhay ng ating mga kababayan. Ni hindi nga sila na­bang­git sa SONA ni Gng. Arroyo.

Matagal na pana-hon nating ipinaglaban ang kalayaan ng ating bansa. Huwag sana nating balewalain ang mga buhay na ibinuwis ng ating mga bayani upang makamit ito. Huwag pabayaan na ang mga bagong baya­ni ay maging alipin sa ibang bansa. Huwag isanla sa mga dayuhan ang dangal na daan taon nating tinubos.

Show comments