^

PSN Opinyon

Kumukupas ang PCSO dahil kay Magbuhos at Gonzales

- Bening Batuigas -

KUNG ginagamit nina Charing Magbuhos at Eddie Gonzales na front ng kanilang jueteng    operations sa Quezon ang small-town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), aba ganoon din pala si Mon Preza sa Laguna. Kaya kung patuloy ang operations nina Charing Magbuhos at Eddie Gonzales at Mon Preza, nangangahu­lu­gan lang mga suki na kumu­kupas na ang PCSO tali­was sa mga patalastas nila sa TV, diyaryo at radyo nga. Paano hindi kuku­ pas ang PCSO eh sa bulsa nina Magbuhos at Gonzales at Preza pu­ma­pasok ang mga kub­ransa at hindi sa kaban ng gobyerno. At habang patuloy na ginagamit nina Magbuhos, Gon­zales at Preza na front ng kanilang jueteng operations ang STL ng PCSO, tiyak darating ang araw na mababankarote ang PCSO, di ba mga suki? May ilan pa kayang gambling lords ang guma­gamit na ganitong siste­ma nina Magbuhos, Gon­zales at Preza para mai­­wa­­san nila ang linggu­hang intelihensiya? Ma­rami pa tiyak, di ba mga suki? He-he-he! Dapat maagang magising si PCSO chairman Valen­cia bago maging huli ang lahat.

Kung sina Magbuhos at Gonzales ay nagkaka­kubransa ng P6 milyon kada araw sa STL nila kuno, si Preza naman ay P2.5 milyon daily. Kung sina Magbuhos at Gon­zales ay P1 milyon lang ang dinideklara sa PCSO, si Preza naman ay P500,000 lang. O ’di ba maliwanag na malaki ang nawawala sa kaban ng bayan sa STL operations kuno nina Magbuhos, Gonzales at Preza? Hindi hamak na malaki ang binobola nila sa jueteng, President Arroyo, Ma’m. Baka sa su­ sunod na mga araw, pati si GMA ay kukupas na rin kapag hindi niya mapa­tigil ang modus-operandi ng mga gambling lords para mapaglalangan ang STL ng PCSO, di ba mga suki? Teka nga pala, ang sentro ng operations ng STL kuno o jueteng ni Mon Preza ay sa Biñan, San Pedro, Sta. Rosa, Calamba at sa Cabuyao. Kung si Gov. Nantes ay P3 milyon ang tinatang­gap kina Magbuhos at Gonzales, si Laguna Gov. Ningning Lazaro naman ay inaabutan din ni Mon Preza ng P1.5 milyon, anang impormante natin. Kaya pala!

Pero kung sina Mag­buhos at Gonzales ay mahal ng mga pulis at pulitiko sa Quezon, aba kabaligtaran naman si Preza sa Laguna. Kina­mu­­ muhian si Preza ng mga pulis at pulitiko bu­nga sa mukhang hindi    ito magaling makisama. Kaya hindi ako magtataka kung ang prangkisa ng STL ni Preza sa Laguna ay makansela na kapag napaso ito. May balak kasi ang provincial government ng Laguna na magpasa ng batas na i-revoke ang STL franchise bunga sa kasakiman ni Preza. Kaya habang si Preza ay nanganganib  na mawalan ng pagkaki­taan, sina Magbuhos at Gonzales naman ay pa­sipul-sipol lang sa pro­binsiya ni Gov., Nantes. Ang mga pulis kasi at pulitiko sa Quezon ay masaya sa STL ng mag­sing-irog na sina Magbu­hos at Gonzales, di ba mga suki? Abangan!

CHARING MAGBUHOS

GONZALES

KAYA

MAGBUHOS

MON PREZA

PREZA

SHY

STL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with