SA harap ng problema ng bansa sa kuryente, muli na namang nakita na tumpak at eksakto ang legislative agenda ng panganay na anak namin ni President Erap na si Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada.
Bago pa nag-umpisang lumaki ang problemang ito, at bago pa man nagsimulang talakayin ito ng mga pulitiko, ay nauna nang inihain ni Jinggoy ang isang panukalang solusyon dito: Ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
Noon pa man kasi, pinuna na ni Jinggoy na bigo ang mga pangako ng batas na ito, kaya iniakda niya ang Senate Bill No. 160, na nagsusulong ng malalaking pag-amyenda sa EPIRA para tiyakin na ang serbisyo ng kuryente ay de-kalidad, maaasahan at abot-kaya ang presyo.
Nang ipinilit ng Malacañang na mapagtibay ang EPIRA noong 2001, ipinagmayabang ni Ginang Arroyo na ito raw ang solusyon sa mga problema sa kuryente.
Pero sabi nga ni Jinggoy, “Anim na taon na ang lumi pas mula nang isabatas ang EPIRA pero ang pangako nito ay napako, dahil sa halip na bumaba ang presyo ng kuryente ay lalo pa itong nagpatuloy sa pagtaas, at lalo ding dumalas ang mga brownout.”
Sabi ni Arroyo, ang problema ay kulang ang ulan kaya’t hindi sapat ang dami ng tubig sa mga dam para mag- generate ng kuryente. Pero sa analysis ni Jinggoy, ang nagpalala sa problema ay ang pagiging hindi matatag mismo ng electricity power sector ng bansa. Hindi kasi natupad ang mga pangako ng EPIRA at ni Arroyo na papasok ang maraming investor sa sektor na ito, partikular sa aspeto ng electricity generation.
Ngayon nga na nararamdaman na natin ang pro- blema sa kuryente, at pinangangambahan pa itong lumala, mabuti naman at marami na ang nagbibigay ng atensiyon sa isyung ito na nauna nang pinansin ni Jinggoy, at ito ngang si Ginang Arroyo ay nag-echo pa ng panawagan ni Jinggoy para sa pag-amyenda ng EPIRA.
* * *
Para sa mga su hestiyon o komento, maaari kayong mag-e-mail sa doktora_ng_masa@yahoo.com.ph