PARA sa kaalaman ni President Arroyo, tuluy-tuloy ang operation ng jueteng nina Leony Lim sa Sorsogon at Art Atayde sa Batangas. At wala nang iba pang makapag-utos para mapasara ang jueteng operations nina Leony Lim at Art Atayde kundi si GMA ang bunga sa mukhang nakikinabang din sa kanila itong sina Interior Sec. Rolando Puno at PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon. Kung hindi lang nga nagkasakit si First Gentleman Mike Arroyo, maaaring ang pangalan din niya ang isasangkalan nina Leony Lim at Art Atayde. Pero sa pag-low-profile nga ni FG Arroyo, wala ng ibang pagdiskitahan pa sa patuloy na jueteng operations nina Leony Lim at Art Atayde kundi si GMA nga. Kapag tulad nina Secretary Puno at General Calderon ay nanahimik din si GMA, aba ibig bang sabihin niyan wala nang INTERES ang gobyerno na lutasin ang mga problemang dulot ng jueteng? He-he-he! Sino pa ang makakapigil sa buwenas nitong sina Leony Lim at Art Atayde? DI WALA, di ba mga suki?
Kung sabagay, hindi lang sa Sorsogon at sa Batangas nagkalat ang kubrador ng jueteng Ma’m GMA kundi maging sa Quezon, di ba Gov. Nantes Sir? At ang magsing-irog na sina Charing Magbuhos at Eddie Gonzales alyas Eddie Kabayo ang may pakana ng jue-teng Gov. Nantes Sir. At ang front nga ng operation ng jueteng nina Charing Magbuhos at Eddie Gonzales ay ang small town lottery (STL) ng PCSO. At paano mapapasara ang jueteng sa Quezon kung totoo ang pagyayabang nitong sina Magbuhos at Gonzales na nagbibigay sila ng tumataginting na P3 milyon kada buwan kay Gov. Nantes? Aba paki-klaro nga ang balitang ito Gov. Nantes Sir.
Ayon sa mga kausap kong pulis, ang estilo pala nina Magbuhos at Gonzales ay hatiin ang kubransa ng STL at ang malaking parte ng binobola nila. Ang ibig kong sabihin mga suki, bino-bookies din nina Magbuhos at Gonzales ang taya sa STL. Halimbawa, kung ang kubransa sa STL ay aabot sa P6 milyon kada-araw, aba P1 milyon lang ang idinideklara nina Magbu-hos at Gonzales at presto… nakakurakot sila ng P5 milyon kada araw. Gets n’yo GMA Ma’m at taga-PCSO?
Ang sentro ng operation ng jueteng o STL kuno nina Magbuhos at Gonzales ay sa Lucena City at mga bayan ng Tayabas, Candelaria, Pagbilao at Tiaong. Alam n’yo Ma’m GMA, kung ang mga lider na sina Secretary Puno at General Calderon ay hindi kumikilos laban sa jueteng, ang bataan ng Iglesia ni Cristo na si Chief Supt. Nicasio Radovan, ang director ng PRO-4A na magreretiro na sa Nob. 8, ay ganoon din.
Paano na lang ang kinabukasan ni Radovan at pamilya niya kung ipasasara niya ang jueteng o STL kuno nina Magbuhos at Gon zales? Aber, pakisa- got nga ng katanungan na ito Secretary Puno at General Calderon Sir? Kaw GMA Ma’m, me sagot ka rin?
Abangan!!