^

PSN Opinyon

Mahal ang matrikula

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Hindi pa man humuhupa ang hysteria sa FRANCSWISS Ponzi scheme ay heto’t may panibagong “swindle” na namang pumutok, ang nangyari sa Performance Investment Products Corporation (PIPC).

Mismong ang general manager ng PIPC ang dumulog sa NBI na hanapin ang Presidente nitong itinakbo lahat ng pondo. Tinatayang aabot ng labing-dalawang bilyon (PhP12,000,000,000.00) ang kabuuan ng nakuha dito.

Ang mga raket na ganito – kung saan naaakit at nahihi­kayat ang tao sa pangako ng nakakalulang interes, at sa kumisyon sa bawat ma-recruit na imbestor (ang interes nga ay galing sa perang pasok ng mga bagong recruit, at hindi sa kinita) – ay nabibigyang buhay sa mga bansang medyo mahina ang sopistikasyon. Lalo na sa Pilipinas na likas na mapagtiwala ang mamamayan.

Balakid sa pagtugis ng mga pasimuno ay ang publi­sidad. Lalo na sa PIPC na  halos lahat daw ng nabiktima ay Mega-yaman. Marami dito ay puro sikretong pondo ang naisugal – kung hindi pondong sikreto sa gobyerno, malamang ay pondong sikreto sa kanilang mga asawa. At kung lehitimong pondo man, delikado pa rin lumantad dahil sa takot makidnap.

Masyado nang maraming Pilipino ang nabibiktima ng abuso ng tiwala. Siempre may sala din sila dahil nabulag sa kislap ng kayamanan – kung talagang nag-ingat at pinag-aralan ito ng husto: Paano makakapagbigay ng ganung kalaking interes kung ang lahat ng ibang instru­mento sa banko ay ang bababa? Sugal na talaga ang nangyari. Kung hindi man, ika nga ni STAR columnist Prof. Alex Magno, stupidity na.

Paano mapuproteksyunan ang publiko? Mahirap na ngang bantayan ang mga lehitimong “investment houses” dahil sa secrecy of bank deposits law at dahil ang mga ahensyang nag-iimbestiga ay hindi pa gaanong kahasa sa ganitong kasopistikadong panloloko, paano pa yung mga colorum na ni hindi nagpapa­rehistro sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng SEC?

Sa huli’y wala pa ring mas epektibo kaysa edukas­yon – turuan ang tao na ang pangunahin at sigura­dong paraan pa rin upang umasenso ay sipag at ang mag­ trabaho ng tapat. Kailangan din pag-aralan ng maingat ang mga paglalagyan ng perang pinagpa­wisan. Mas mura at sulit pa rin ang ganitong matrikula kaysa mina­trikula ng mga nabiktima ng FRANCSWISS at PICP. 

vuukle comment

ALEX MAGNO

BALAKID

PAANO

PERFORMANCE INVESTMENT PRODUCTS CORPORATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with